Message Theme & Verses: 1 Cronica
Memory Verse: 1 Cronica 28:9b Kung dudulog ka sa kanya, tutulungan ka niya, pero kung tatalikod ka sa kanya, itatatkwil ka niya pagpakailanman.
Ang 1 Cronica ay dating isang malaking aklat kasama ng 2 Cronica na tinatawag na “Mga Pangyayari sa mga Taon.” Ito ay malamang na isinulat ng isang pari o levita na may pahintulot sa mga talaan ng templo. 70 iskolar na mga Hudyo ang nagsalin ng aklat sa Greek na kung tawagin ay Paraleipomena o “ang mga bagay na inumit” noong pinagsasama-sama nila ang Septuagint, na itinuturing nilang kasama ng Samuel and Mga Hari. Tapos, si Jerome ang nagsalin nito sa Latin at pinangalanan ang aklat na Cronica ng Banal na Kasaysayan at sa huli si Martin Luther ang siyang tumawag sa aklat na Cronica sa kanyang salin sa German.
Masusundan natin ang kasaysayan ng katapatan Diyos mula kay Adan hanggang sa pagbalik nila mula sa pagkakataboy sa ibang bansa upang itayong muli ang templo kung babasahin natin ang Cronica, Ezra at Nehemiah. Ang aklat na ito ay marahil naisulat pagkatapos lamang ng pagtatayong-muli ng templo noong nangangailangan ang mga tao ng pag-asa. Sila ay nakabalik sa Lupang Pangako matapos na gamitin ng Diyos ang pagkakasakop sa kanila ng ibang bansa upang disiplinahin sila at alisin sila sa pagsamba sa diyos-diyosan. Ngunit ang hindi naging Mabuti ang bagay at maraming mga alitan sa loob at maging sa mga karatig bansa.
Ang Cronica ay patungkol sa Kasunduan ni David bilang pamantayan ng mga tao kung paano makipag-ugnay sa Diyos at nais ng may-akda na makita ng mga mamamayan ang pagsuway nila ay nagdudulot ng kapahamakan at pagkawasak, ngunit kung ang mga hari ay tapat, nakakaranas ang mga tao ng pagpapala ng Diyos. May pag-asa na ang dalawang pangunahing institusyon, ang templo at ang paghahari ay maipanunumbalik.
Ang Cronica ay tungkol sa pagtawag sa mga tao na hanapin ang Diyos at hindi talikuran ang Diyos. Ipininapakita rin ng tagapag-cronica kung papaanong sa kasaysayan ng Israel, lalo na sa panahon ni Haring David, kapag ang mga tao ay nagpakumbaba at nagsisi at nag-alay sa pamamagitan ng Sistema ng paghahandog sa templo, ay patatawarin at ipanunumbalik ng Diyos ang Kanyang awa at biyaya sa kanila.
Ang 1 Cronica ay tungkol sa buhay at paghahari ni Haring David at nagsasalarawan ng pag-unlad ng mamamayan ng Diyos sa ilalim ng makadiyos na pinuno at mapagmatyag na kamay ng Diyos mismo. Mayroong mas mabigat na diin sa templo kaysa sa mga Hari at makukuha natin ang ideya na ang pagpapatuloy ng paghahari David at ang pag-asa para sa mga tao ay hindi darating sa pulitikal na kaparaan, kundi sa pamamagitan ng isang Mesiyas.
Ang mga aklat na ito ay nagpapakita sa mga mamamayan at naghahangad na ang lahat ng mga tribo ng Israel ay magsama-samang muli, na naglilingkod sa Diyos. Ang Katimugang Kaharian ng Judah ay nagbalik mula sa pagkakahuli sa Babylonia, ngunit sila ay hindi buo nang wala ang kanilang kapatid sa hilaga. Sa pagbalik-tanaw sa kasaysayan ng bayan ng Diyos, ang Cronica ay, sa katunayan, inaantabayanan ang pagtatatag ng Kaharian ng Diyos na kung saan ang lahat ay maipanunumbalik. Pagkatapos, makikita natin ang bayan ng Diyos na namumuhay sa paraan ng Diyos sa lupain ng Diyos.
Basahin 1 Cronica 29:10-20
Si Jesus sa 1 Cronica 29:10-20
Kung titingnang maiigi, makikita natin na naiiba ito kaysa sa aklat ng Samuel at Mga Hari dahil ang Cronica ay nagbibigay ng mas maraming teolohiya at hindi lang kasaysayan. Ang bayan ng Diyos, silang mga nagmamahal sa Diyos at sumusunod kay Kristo ay ang mga tagapagmana ng mga pangako na ginawa ng Diyos sa Israel. Tayo ay nagiging anak at tagapagmana hindi sa pamamagitan ng dugo, kundi ng pananampalataya. Ang pag-asa na ang trono ni David ay maipanunumbalik ay naisakatuparan kay Kristo. Kahit na ang mga hari ng Israel ay naging suwail sa kautusan ng Diyos, si Jesus naman ay naisakatuparan nang buong buo ang lahat ng ito. Noong mamatay si Jesus, binayaran Niya ang pinaka-mataas na sakripisyo na hindi kayang bayaran ng mga handog na hayop sa templo. Pagkatapos, sa Kanyang pagkabuhay-muli, inangkin ni Jesus ang trono ng langit, ang anak ni David at anak ng Diyos. Si Jesus ang hari na inaabangan ng mga tao. Siya ay parehas na Dakilang Punong Saserdote at perpektong sakripisyo. Si Jesus rin ang nagsasalarawan ng paghahatol at pagpapala ng Diyos na ipinakita sa Cronica. Pinasan ni Jesus ang kahatulan ng Diyos sa kasalanan at binigyan Niya ang lahat ng mga nananampalataya sa Kanya ng panibagong buhay bilang mga mamamayan sa perpekto at banal na Kaharian.
Mga Katanungan
Kung mayroong magsusulat ng kwento ng iyong buhay, ano ang itatawag mo rito?
Ano ang mga kwento na gusto mong isalaysay ng aklat na ito? (Marahil gusto natin ng akalat na magaganda lamang ang ikinikwento tungkol sa atin. Ngunit, ang Diyos ang siyang bida sa Bibliya at kaya kahit sa mga aklat na tulad ng Cronica na nagkukwento tungkol sa bayan ng Diyos, ang parehas na mabubuti at masasamang bahagi ay nakasalaysay. Makikita natin na pinagpapala ang mga tao kapag hinahanap nila ang Diyos at makikita rin natin na pinaparusahan at dinidisiplina sila kapag tinalikuran nila Siya.)
Si David ay isang magiting na hari na nagwagi sa maraming mga digmaan at gumawa ng maraming dakilang bagay. Paano niya naiuugnay ang sarili niya sa Diyos? (Sa panalangin ni David, makikita natin na ibinibigay niya ang lahat ng luwalhati at parangal sa Diyos. Kinikilala ni David na ang Diyos ay ang makapangyarihang tagapaglikha at Siya rin ang nagtataas at nagbababa sa mga hari at mga kaharian. Maliit ang tingin ni David sa sarili sa harap ng Diyos at alam niya nakikita ng Diyos ang puso ng tao.)
Ano ang ibig sabihin ni David noong sabihin niyang, “kami ay mga dayuhan sa harap mo at mga manlalakbay?” (Sinasabi ni David na ang mga tao ay naka-depende lamang sa Diyos para sa kanilang mga pangangailangan at pag-iingat. Alam niya na ang Diyos ay walang hanggan at na ang buhay ng tao ay maiksi lamang. Alam ni David na ang Lupang Pangako ay sa Diyos at ang mga tao ay mapaparito lamang kung susunod sila sa Diyos. Hiniling ni David sa Diyos na gawin ng Diyos na tapat ang mga tao sa Diyos.)
Bakit gumagawa ng mga sakripisyo ang mga tao sa Diyos? (Walang kapatawaran ng kasalanan nang walang pagkatigis ng dugo. Ang mga handog na hayop ay nagsasaad sa Diyos na kinikilala ng mga tao na sila ay makasalanan at nararapat lang na mamatay. Sila ay nag-aalay ng mga hayop bilang kapalit nila sa sarili nilang parusa at kamatayan. Siyempre, hindi perpekto ang mga hayop at hindi rin ito makasusunod sa kautusan ng Diyos, kaya’t ang dugo ng mga hayop ay hindi rin makapaghuhugas ng kasalanan. Tanging si Jesus lamang, na perpektong sumunod sa lahat ng kautusan ng Diyos Ama ay ang karapat-dapat na maging perpektong handog. Kayang ibsan ni Jesus ang poot ng Ama sa mga makasalanan sa pamamagitan ng pagbabayad ng Kanyang pinakamamahal na dugo . Inaalis Niya ang kasalanan at ibinibigay Niya ang Kanyang sariling katuwiran sa mga makasalanang mamamayan upang makapiling nila ang banal na Diyos.)
Ano ang nais mong ipanalangin sa Diyos ngayon tungkol sa iyong pamilya?
Comments