Message Theme & Verses: 1 Cronica
Memory Verse: 1 Cronica 28:9b Kung dudulog ka sa kanya, tutulungan ka niya, pero kung tatalikod ka sa kanya, itatatkwil ka niya pagpakailanman.
Happy Family Lesson:
Ang 1 Cronica ay dating isang malaking aklat kasama ng 2 Cronica na tinatawag na “Mga Pangyayari sa mga Taon.”
Masusundan natin ang kasaysayan ng katapatan Diyos mula kay Adan hanggang sa pagbalik nila mula sa pagkakataboy sa ibang bansa upang itayong muli ang templo kung babasahin natin ang Cronica, Ezra at Nehemiah. Ang aklat na ito ay marahil naisulat pagkatapos lamang ng pagtatayong-muli ng templo noong nangangailangan ang mga tao ng pag-asa. Sila ay nakabalik sa Lupang Pangako matapos na gamitin ng Diyos ang pagkakasakop sa kanila ng ibang bansa upang disiplinahin sila at alisin sila sa pagsamba sa diyos-diyosan. Ngunit ang hindi naging Mabuti ang bagay at maraming mga alitan sa loob at maging sa mga karatig bansa.
Ang Cronica ay tungkol sa pagtawag sa mga tao na hanapin ang Diyos at hindi talikuran ang Diyos. Ipininapakita rin ng tagapag-cronica kung papaanong sa kasaysayan ng Israel, lalo na sa panahon ni Haring David, kapag ang mga tao ay nagpakumbaba at nagsisi at nag-alay sa pamamagitan ng Sistema ng paghahandog sa templo, ay patatawarin at ipanunumbalik ng Diyos ang Kanyang awa at biyaya sa kanila.
Ang 1 Cronica ay tungkol sa buhay at paghahari ni Haring David at nagsasalarawan ng pag-unlad ng mamamayan ng Diyos sa ilalim ng makadiyos na pinuno at mapagmatyag na kamay ng Diyos mismo. Mayroong mas mabigat na diin sa templo kaysa sa mga Hari at makukuha natin ang ideya na ang pagpapatuloy ng paghahari David at ang pag-asa para sa mga tao ay hindi darating sa pulitikal na kaparaan, kundi sa pamamagitan ng isang Mesiyas.
Ang mga aklat na ito ay nagpapakita sa mga mamamayan at naghahangad na ang lahat ng mga tribo ng Israel ay magsama-samang muli, na naglilingkod sa Diyos. Ang Katimugang Kaharian ng Judah ay nagbalik mula sa pagkakahuli sa Babylonia, ngunit sila ay hindi buo nang wala ang kanilang kapatid sa hilaga. Sa pagbalik-tanaw sa kasaysayan ng bayan ng Diyos, ang Cronica ay, sa katunayan, inaantabayanan ang pagtatatag ng Kaharian ng Diyos na kung saan ang lahat ay maipanunumbalik. Pagkatapos, makikita natin ang bayan ng Diyos na namumuhay sa paraan ng Diyos sa lupain ng Diyos.
Basahin 1 Cronica 29:10-20
Tumawag ng isang batang magbibigay ng isang speech tungkol sa mga tao niya at kung ano ang ginawa ng Diyos sa kanila.
Piringan ang mata ng isang bata at patikman ng iba’t-ibang lasa upang ituro ang magaganda at pangit na pangyayari sa mga hari.
Pasubukan sa mga bata ang ngunmiti at sumimangot nang sabay.
Nanalangin si David sa Diyos ng Kanyang mga ninunong sina Abraham, Isaac, at Israel. Ipabanggit sa mga bata ang lahat ng kanilang mga kamag-anak hanggang sa makakaya nila.
Barkadang Lesson:
Kung titingnang maiigi, makikita natin na naiiba ito kaysa sa aklat ng Samuel at Mga Hari dahil ang Cronica ay nagbibigay ng mas maraming teolohiya at hindi lang kasaysayan. Ang bayan ng Diyos, silang mga nagmamahal sa Diyos at sumusunod kay Kristo ay ang mga tagapagmana ng mga pangako na ginawa ng Diyos sa Israel. Tayo ay nagiging anak at tagapagmana hindi sa pamamagitan ng dugo, kundi ng pananampalataya. Ang pag-asa na ang trono ni David ay maipanunumbalik ay naisakatuparan kay Kristo. Kahit na ang mga hari ng Israel ay naging suwail sa kautusan ng Diyos, si Jesus naman ay naisakatuparan nang buong buo ang lahat ng ito. Noong mamatay si Jesus, binayaran Niya ang pinaka-mataas na sakripisyo na hindi kayang bayaran ng mga handog na hayop sa templo. Pagkatapos, sa Kanyang pagkabuhay-muli, inangkin ni Jesus ang trono ng langit, ang anak ni David at anak ng Diyos. Si Jesus ang hari na inaabangan ng mga tao. Siya ay parehas na Dakilang Punong Saserdote at perpektong sakripisyo. Si Jesus rin ang nagsasalarawan ng paghahatol at pagpapala ng Diyos na ipinakita sa Cronica. Pinasan ni Jesus ang kahatulan ng Diyos sa kasalanan at binigyan Niya ang lahat ng mga nananampalataya sa Kanya ng panibagong buhay bilang mga mamamayan sa perpekto at banal na Kaharian.
Mga Katanungan:
Kung mayroong magsusulat ng kwento ng iyong buhay, ano ang itatawag mo rito?
Ano ang mga kwento na gusto mong isalaysay ng aklat na ito? (Marahil gusto natin ng akalat na magaganda lamang ang ikinikwento tungkol sa atin. Ngunit, ang Diyos ang siyang bida sa Bibliya at kaya kahit sa mga aklat na tulad ng Cronica na nagkukwento tungkol sa bayan ng Diyos, ang parehas na mabubuti at masasamang bahagi ay nakasalaysay. Makikita natin na pinagpapala ang mga tao kapag hinahanap nila ang Diyos at makikita rin natin na pinaparusahan at dinidisiplina sila kapag tinalikuran nila Siya.)
Si David ay isang magiting na hari na nagwagi sa maraming mga digmaan at gumawa ng maraming dakilang bagay. Paano niya naiuugnay ang sarili niya sa Diyos? (Sa panalangin ni David, makikita natin na ibinibigay niya ang lahat ng luwalhati at parangal sa Diyos. Kinikilala ni David na ang Diyos ay ang makapangyarihang tagapaglikha at Siya rin ang nagtataas at nagbababa sa mga hari at mga kaharian. Maliit ang tingin ni David sa sarili sa harap ng Diyos at alam niya nakikita ng Diyos ang puso ng tao.)
Kung ikaw ay magiging hari ano ang unang bagay na gagawin mo?
Ano ang ibig sabihin ni David noong sabihin niyang “kami ay mga dayuhan lamang sa paningin mo at mga manlalakbay?”(Sinasabi ni David na ang mga tao ay naka-asa lamang sa Diyos para sa kanilang pangangailangan at pag-iingat. Batid niyang ang Diyos ay magpakailanman at ang buhay ng tao ay maiksi lamang. Alam ni David na ang Lupang Pangako ay pagmamay-ari ng Diyos at ito ay makakamtan lamang ng mga tao kung sila ay susunod sa Diyos. Hiniling ni David sa Diyos na gawin Niyang tapat ang mga tao sa Kanya.)
Naranasan mon a bang mapunta sa isang bagong lugar, bagong baryo o bagong paaralan? Ano ang pakiramdam?
Bakit gumagawa ng mga sakripisyo ang mga tao sa Diyos? (Walang kapatawaran ng kasalanan kung walang pagtigis ng dugo. Ang mga alay na hayop ay nagpapahiwatig sa Diyos na kinikilala ng mga tao na sila ay makasalanan at nararapat mamatay. Sila ay nag-aalay ng mga hayop bilang kapalit ng kanilang kaparusahan at kamatayan. Siyempre, ang mga hayop ay hindi perpekto at hindi makasusunod sa utos ng Diyos, kung kaya’t ang dugo ng mga hayop ay hindi makapaglilinis ng kasalanan. Tanging si Jesus, na Siyang perpektong sumunod sa bawat utos ng Diyos Ama ang karapat-dapat at natatanging sakripisyo. Kayang pawiin ni Jesus ang galit ng Ama laban sa mga makasalanan sa pamamagitan ng kabayaran ng Kanyang dugo. Inalis Niya ang kasalanan at ibinigay ang Niya ang sarili Niyang kabanalan at katuwiran sa mga makasalanang tao upang makapiling nila ang kanilang Banal na Diyos.)
Ano ang nais mong ipanalangin para sa iyong pamilya?
Comments