Message Theme & Verses: 1 Kings
Memory Verse: 1 Hari 18:21 Lumapit si Elias sa mga tao at sinabi, “Hanggang kalian pa ba kayo mag-aalin langan? Kung ang Paniginoon ang totoong Dios, sundin ninyo siya, pero kung si Baal ang totoong Dioy, sundin ninyo ito.” Pero hindi sumagot ang mga tao.
Happy Family Lesson:
Ang Deuteronomy ang siyang naglatag ng pagbabatayan kung papaanong ang bayan ng Diyos ay dapat mamuhay ayon sa kautusan, pagmamahal sa Diyos nang buo nilang puso, kaluluwa, isip at lakas. Ang mga aklat na ito ang nagpapakita kung papaanong ang mga hari ng Israel ay kinapos sa paglakad ayon sa alituntunin ng Diyos at pagsunod sa Kanyang mga kautusan.
Ang 1 Mga Hari ay nagsisimula kay Solomon at nagtatapos kay Elijah. Si Solomon, kilala sa kanyang karunungan, nagpadala sa tukso patungong pagsamba sa diyos-diyosan sa pamamagitan ng pagkakaroon niya ng daan-daang mga asawa. Nagtatanghal ng propeta ang Diyos upang tawagin ang Kanyang mga tao para magsisi sa kanilang mga kasalanan at upang balansehin ang kasamaan ng mga hari. Ang mga pangangaral ni Elijah ay hindi nakapagpatalikod sa mga haring tulad ni Ahab at ang kanyang masamang asawa na si Jezebel mula pagsamba kay Baal. Binalaan ng mga propeta ang mga tao na tigilan ang pagsamba sa diyos-diyosan at nang mabigyan sila ng pag-asa sa katapatan ng Diyos.
Mga pagdating sa halos kalahati ng 1 Mga Hari, makikita natin na ang Israel ay nahati sa dalawang kaharian, ang hilaga at timog. Masusundan natin ang kwento ng mga haring ito na nabigong pamunuan ang mga tao sa pagiging makadiyos at makikita natin kung paanong hinanda sila ng Diyos para madisiplina. Di maglalaon, papayagan din naman ng Diyos na masakop ang Kanyang mga tao ng mga kalaban at maitaboy mula sa kanilang lupain.
Isinulat at inilimbag habang nasa bansa ng mga dayuhan, ang mga aklat na ito ay nagbibigay pag-asa sa mga taong nabihag at inilayo sa kanilang sariling bayan. Marahil naisip nila na ang Diyos ay wala talagang control, ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang Diyos mismo ang nagtalaga ng pagkawasak ng Kanyang piniling bayan at templo. Ang kasalanan ng mga tao, ang kanilang pagsuway, at ang kanilang pagtanggi na pakinggan ang mga babala ng mga propeta ang nagdulot sa kanila ng pagdurusa sa disiplina ng Diyos na gumagamit ng kahit mga masasamang kalaban bilang paraan ng Kanyang pagdisiplina.
May mga mabubuting hari naman sa 1 Mga Hari, ngunit lahat ay nagkasala at iba ay mas Malala kaysa sa iba. Tinuturuan lang ng Diyos ang Kanyang mga tao na Siya lamang ang tunay na Diyos at ang Kanyang mga tao ay nararapat na sambahin Siya at Siya lamang. Hindi makikihati ang Diyos ng pagsamba sa iba. Sa kabila ng mga kabiguan ng mga hari na mamuhay ayon sa pamantayan ng Diyos, tinupad pa rin ng Diyos ang Kanyang pangako kay Abraham at David. Ang Diyos ay mapagbiyaya at iniingatan ang Kanyang mga tao.
Kung titingnan natin bilang tao, ang panahon ng mga hari ay palpak. Ang mga tao ay patuloy sa pagbali ng kanilang kasunduan sa Diyos at sumasamba sa diyos-diyosan. Mananawagan ang Mga Propeta sa mga tao na sumunod sa Diyos ngunit ang kadalasang pinipili ng mga hari ay ang kasamaan. Ang kwento ay nagpapatuloy hanggang sa 2 Mga Hari at alam natin na gagawa ng paraan ang Diyos upang iligtas ang Kanyang mga tao.
Read 1 Kings 18:17-40
Igrupo ang mga bata ayon sa kanilang barkadas pero panatilihin sila sa loob lang ng hall at bigyan sila ng 10 minuto na i-reenact ang kwento ni Elijah vs. mga propeta ni Baal. Bawat grupo ay tig-5 minuto upang ipakita ang kanilang kwento.
Pagupitin ang mga bata ng hugis apoy na construction paper at ipasulat ang memory verse dito.
Patayuin ang mga bata at sabihin sa kanila na sundin ang iyong mga iuutos. Utusan silang pumunta sa kanan, tapos kaliwa, tapos kanan ulit, pabilis nang pabilis. Ipaliwanag na hindi ka pwedeng nasa dalawang lugar sa isang pagkakataon, hindi mo pwedeng sundin si Jesus at ang mundo.
Pinanawagan ni Elijah ang mga tao na mamili sila ng susundin, ang Diyos ba o si Baal. Maglaro ng “Mas Gugustuhin Mo Bang…” sa mga kagrupo or barkadas.
Barkadang Lesson:
Sa pagbabasa natin ng pagbagsak ni Solomon mula sa karunungan patungong sa kahangalan at makikita rin natin ang mga sumunod na hari sa kanya kung paano nila itanggi ang makadiyos na paghahari ni David dahil mas gusto nila ang kasalanan at ang mga diyos-diyosan, magsisimula tayong maghanap ng isang kakaiba. Kailangan natin ng isang mabuting hari. Kailangan natin ng isang hari na tutuparin ang Kasunduan sa Ama. Kailangan natin ng isang hari na mapagtatagumpayan ang tukso at hindi magtataksil. Ang haring iyon ay si Jesus, ang Hari ng mga Hari at ang tunay na Anak ni David. Si Hesus ang magtatatag ng bagong kasunduan sa kanyang mga tao at ihahatid sa Kaharian ng Diyos. Si Elijah naman ang tagapaghatid kay Kristo, tumatawag sa mga tao na sundin ang Diyos nang may mapagpakumbabang pagsisisi at pananampalataya.
Mga Katanungan:
Ano ang pinakamalaking kompitisyon ang nasalihan mo na?
Ano ang nararamdaman mo kapag nananalo si Manny Pacquiao? Paano naman pag natatalo?
Bakit tinawag ni Ahab na “taga-bulabog ng Israel” si Elijah? (Si Elijah ay isa lamang mensahero, ngunit ang akala ni Ahab, dahil sa ang mensahe ay tungkol sa paghatol sa Israel ay Elijah ang siyang nagdudulot ng kaguluhan sa Israel. Sinabi ni Elijah ang katotohanan, ang Israel ay nasa ilalim ng kahatulan ng Diyos dahil sa kanilang mga kasalanan at ang hari, si Ahab ay sumasamba kay Baal.)
Nararamdaman mo rin bang ikaw ay nahihila magkabila, ang sumamba sa Diyos at sumunod sa mga diyos-diyosan?
Si Elijah ay mag-isa lang laban sa mga 450 na propeta ni Baal. Ano sa palagay mo ang naramdaman niya? (Nalungkot siyempre si Elijah. Akala niya ay wala nang iba pang sumusunod sa Diyos at nakiusap siya sa Diyos na dalhin na siya sa langit sapagkat hindi na niya makayanan ang mag-isa. Pinalakas ng Diyos ang loob ni Elijah at sinabihan siyang may mga ibang tao na tapat sa Diyos. Binigyan pa nga siya ng Diyos ng isang katuwang at kaibigan, si Elisha. Ginawa tayo ng Diyos na maging mga tao ng paikipag-ugnay na nangangailangang maging kasama ng ibang mga tao. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng simbahan upang magpalakasan tayo ng loob ng isa’t isa.)
Ano ang pinagkaiba ni Elijah sa mga propeta ni Baal? (Ang malaking pinagkaiba ay ang kumpiyansa ni Elijah sa isang tunay na Diyos at ang mga tagasunod ni Baal ay sumusunod lang sa isang huwad na diyos na walang magagawa. Sinubukang pakalmahin ng mga bulaang propeta ang kanilang diyos sa pamamagitan ng paglalaslas, paghiyaw at pagdurusa. Ginawang mas mahirap silaban ni Elijah ang kanyang altar upang patunayan na tanging ang tunay na Diyos lamang ang makagagawa ng himala. At, sa kanyang pananampalataya, nanalangin lamang si Elijah ayon sa kalooban ng Diyos, na ang mga naroroon ay malaman na mayroon lamang isang tunay na Diyos.)
Paano tayo maninindigan laban sa mga bulaang propeta sa panahon natin ngayon? (Ang ating pinakamalaking sandata ay ang Salita ng Diyos. Tinuturo natin ito at inaaral palagi upang malaman kung ano talaga ang sinasabi ng ating Diyos. Dahil dito, nagiging handa tayo na sagutin ang mga bulaang propeta. Katulad ni Elijah, maaari tayong manalangin. Nilalabanan natin ang mga bulaang propeta nang may katapangan, katotohanan at pag-ibig.)
Paano mo maipakikita na mas pinipili mong sundin si Jesus?
Comments