Message Theme & Verses: 1 Samuel
Memory Verse: 1 Samuel 16:7 Hindi ako tumitingin na gay ang patingin ng tao. Ang tao’y tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan ko’y ang puso.
Si Samuel na Propeta ang huli sa mga Hukom at lalakeng ginamit ng Diyos upang itatag ang pagkakaroon ng hari ng Israel. Si Samuel ang nagbasbas kina Saul at David at makikita natin ang kaibahan ng isang haring pinili ng tao at haring pinili ng Diyos. Ayon sa kaugalian, si Samuel ang may-akda ng aklat na ito na noong una ay bahagi ng isang napakalaking aklat na kung tawagin ay Mga Kaharian, kabilang ditto ang 1 & 2 Samuel and 1 & 2 Mga Hari. Marahil ang aklat ay natapos pagkalipas ng paghahari Haring David upang alalahanin ang lahat ng ginawa ng Diyos.
Ito ang kwento kung papaanong ang Diyos ay nagpapatupad ng Kanyang kautusan sa pamamagitan ng pagtatalaga Niya ng paghahari sa tahanan ni David. Ang 1 Samuel ay tungkol sa paghahari ni Saul at ang 2 Samuel ay sa paghahari naman ni David. Ang dalawang aklat ay isinulat upang maipakita salungat sa parehas ng aklat sapagkat si Saul ay pinili ng mga tao at tinanggihan ng Diyos dahil nabigo siyang mamuhay sa ilalim ng kautusan ng Diyos. Si David ay pinili ng Diyos at kahit na siya ay nagkakasala rin, siya ay ang lalakeng naghahabol sa puso ng Diyos.
Ang 1 Samuel ay tungkol sa pagtatag ng monarkiya sa Israel at ang paghahanda ng Diyos kay David na maluklok sa trono. Upang maging katanggap-tanggap sa Diyos, ang hari ay kinakailangang sumunod sa salita ng Diyos. Ito ang ginawa ni Jesus na Mesiyas-Hari sa Kanyang pagkamasunuring pamumuhay sa Diyos Ama, kahit na maging hanggang “kamatayan sa krus.”
Pinangakuan ng Diyos si Abraham na ang mga hari ay magmumula sa Kanya at si David ay ang katuparan ng pangakong yaon. May mga iba pang mga paksa sa 1 Samuel.
Paghahari ng Diyos – Ang hari ng Israel ay hindi tulad ng mga hari ng ibang mga bansa, na namumuno sa kanilang kagustuhan at layaw. Ang hari ng Israel ay itinatag ng Diyos at nasa ilalim ng kapangyarihan at kautusan ng Diyos.
Probidensiya– Ginagabayan ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa buhay sa pamamagitan ng Kanyang mga plano. Tao ay hindi napapasailalim ng tadhana o ng kung anuman, kundi ang Diyos ay ikinikilos ang lahat ng bagay para sa Kanyang ikaluluwalhati at ikabubuti ng lahat ng mga umiibig sa Kanyan.
Ang soberanya ng kalooban at kapangyarihan ng Diyos – Alam ng Diyos ang lahat at Siya rin ang pumipili at tumatanggi. Gumagawa ang Diyos ng mga kamangha-mangang bagay, nagpapanalo ng digmaan, at kahit mga kalaban ay kaya Niyang gamitin para sa Kanyang layunin.
Ang 1 Samuel ay isang napakagandang kwento-bayani na nakatuon sa talong pinuno, sina Samuel, Saul, at David. Sina Hannah, Eli, at Jonathan ay mga malalaking papel din sa kwento. Dalawang beses natin makikita ang pagbangon at pagbagsak. Sina Eli at ang kanyang mga anak ay bumagsak habang si Samuel ay itinataas at ang lalakeng piniling maging hari si Saul ay bumabagsak naman sa biyaya habang si David naman itinataas bilang bagong pinuno na pinili ng Diyos. Habang tayo ay nagbabasa, pag-ukulan natin ng pansin ang kanilang mga pagkatao at pag-uugali maging ang kanilang mga kilos. Makikita natin kung ano ang ibig sabihin ng isang mabuting pinuno at masamang pinuno at kung ano ang ibig sabihin ng pagsunod sa Diyos.
Basahin ang 1 Samuel 15:1-16:13
Si Jesus sa 1 Samuel
Habang ang Mga Hukom ay nagpapakita ng suliranin ng mga mamamayan at pinuno ng Israel, ang 1 Samuel naman ay nagpapakita kung paanong ang mapagmahal na Diyos ay kumakalinga sa Kanyang bayan at nagtalaga ng isang hari upang maging kanilang mananagumpay, kumakatawan at halimbawa. Siyempre ikinakatawan ni David ang paparating na Haring si Jesus. Si David ay pasilip lamang, patikim ng isang paparating. Sa kalahatan ng kanyang paghahari, pilit lang hinahabol ni Saul ang kung anong nakabubuti para kay Saul, si David ay para sa mga tao at handang isakripisyo ang kanyang sarili para sa kanila. Si David ay handang labanan ang mga oso at leyon mailigtas lamang ang mga tupa at ang higanteng si Goliath na sumusuway sa Panginoon at pinangangamba ang bayan ng Israel. Tanging si Haring Jesus lamang ang makatatalo kay Satan, ang umaatungal na leyon at palayain tayo sa pagpapahirap ng kasalanan.
Mga Katanungan
Ano ang pinakamagandang pagkatao ang dapat na nasa isang hari?
Sino sa palagay mo ang dapat na maging hari?
Ano ang mga pagkakaiba ang nakita ninyo kina Saul at David? (Sariling kaluwalhatian ang hinangad ni Saul at si David naman ay nagbigay luwalhati sa Diyos. Sinamba ni David ang Diyos samantalang si Saul ay naghangad na siya ang sambahin ng mga tao. Si Saul ay talagang mukhang hari at mandirigma, ngunit si David ay may pusong para sa Diyos. Si Saul ay gumagawa ng mga dahilan sa kanyang mga kasalanan pero si David ay naghayag at nagsisi. Sinusunod ni Saul ang kanyang makasalanan at mapanlinlang na puso at si David naman ay sumusunod sa Salita ng Diyos.)
Bakit hindi sinunod ni Saul ang Diyos na lipulin ang mga Amalek? (Nais ni Saul ng kaluwalhatian para sa kanyang sarili. Nais niyang mapasakanya ang mga kayamanan, ang magtayo ng monument para sa sarili, at mapasakanya si Haring Agag bilang tropeo. Nais ni Saul na isipin ng tao na siya ay dakila. Ang nais naman ni David ay isipin ng tao na ang Diyos ang dakila.)
Ano ang ibig sabihin para sa iyo na ang Diyos ang Siyang tunay na hari ng sanlibutan?
Sa palagay mob a kumikilos ang Diyos sa buhay mo? Papaano mo nasabi?
Comentários