top of page
Writer's pictureDan Wright

1 Samuel (Tagalog)

Message Theme & Verses: 1 Samuel


Memory Verse: 1 Samuel 16:7 Hindi ako tumitingin na gay ang pagtingin ng tao. Ang tao’y tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang tinitingnan ko’y ang puso.


Happy Family Lesson:

Si Samuel na Propeta ang huli sa mga Hukom at lalakeng ginamit ng Diyos upang itatag ang pagkakaroon ng hari ng Israel. Si Samuel ang nagbasbas kina Saul at David at makikita natin ang kaibahan ng isang haring pinili ng tao at haring pinili ng Diyos.

Ito ang kwento kung papaanong ang Diyos ay nagpapatupad ng Kanyang kautusan sa pamamagitan ng pagtatalaga Niya ng paghahari sa tahanan ni David. Ang 1 Samuel ay tungkol sa paghahari ni Saul at ang 2 Samuel ay sa paghahari naman ni David. Ang dalawang aklat ay isinulat upang maipakita salungat sa parehas ng aklat sapagkat si Saul ay pinili ng mga tao at tinanggihan ng Diyos dahil nabigo siyang mamuhay sa ilalim ng kautusan ng Diyos. Si David ay pinili ng Diyos at kahit na siya ay nagkakasala rin, siya ay ang lalakeng naghahabol sa puso ng Diyos.

Ang 1 Samuel ay tungkol sa pagtatag ng monarkiya sa Israel at ang paghahanda ng Diyos kay David na maluklok sa trono. Upang maging katanggap-tanggap sa Diyos, ang hari ay kinakailangang sumunod sa salita ng Diyos. Ito ang ginawa ni Jesus na Mesiyas-Hari sa Kanyang pagkamasunuring pamumuhay sa Diyos Ama, kahit na maging hanggang “kamatayan sa krus.”

Pinangakuan ng Diyos si Abraham na ang mga hari ay magmumula sa Kanya at si David ay ang katuparan ng pangakong yaon.


Basahin ang 1 Samuel 17

Ipasadula sa mga bata ang kwento.

Kulayan ang mga bato at pwede ring sulatan ng mga salitang “power” o “kaligtasan” bilang paalaala tungkol sa Diyos

Have the kids put their hands in different bags with different contents to prove their bravery.

Make a paper or cardboard Goliath and have kids throw marshmallows at his head.


Barkadang Lesson:

Habang ang Mga Hukom ay nagpapakita ng suliranin ng mga mamamayan at pinuno ng Israel, ang 1 Samuel naman ay nagpapakita kung paanong ang mapagmahal na Diyos ay kumakalinga sa Kanyang bayan at nagtalaga ng isang hari upang maging kanilang mananagumpay, kumakatawan at halimbawa. Siyempre ikinakatawan ni David ang paparating na Haring si Jesus. Si David ay pasilip lamang, patikim ng isang paparating. Sa kalahatan ng kanyang paghahari, pilit lang hinahabol ni Saul ang kung anong nakabubuti para kay Saul, si David ay para sa mga tao at handang isakripisyo ang kanyang sarili para sa kanila. Si David ay handang labanan ang mga oso at leyon mailigtas lamang ang mga tupa at ang higanteng si Goliath na sumusuway sa Panginoon at pinangangamba ang bayan ng Israel. Tanging si Haring Jesus lamang ang makatatalo kay Satan, ang umaatungal na leyon at palayain tayo sa pagpapahirap ng kasalanan.


Questions

1. Sino ang pinakamatangkad na tao ang kilala mo?

2. Nasubukan mon a bang makipaglaban sa isang hayop?

3. Ano ang pinaka-nakakatakot na hayop?

4. Ano kaya ang pakiramdam ng isang kumakalaban sa higante?

5. Ano ang pinakamahusay na sandata para sa labanan? (Tandaan natin na si David ay nanalo hindi dahil sa siya ay may pinakamahusay na sandata. Nagwagi si David dahil ang Diyos mismo ang nakikipaglaban para matalo ang kalaban na ipinapahiya ang Diyos ang Kanyang mga tao.)

6. Naranasan mon a bang maipahiya? Anong ginawa mo? (Hindi nakinig si David kay Goliath noong si Goliath ay sinusubukang ipahiya si David. Sa halip, inalala ni David na isa siya sa mga tao ng Diyos. Ang mga tao ng Diyos ay espesyal hindi dahil sa kung sino sila, kundi dahil sa ang sinusunod nila ay ang perpektong Diyos.)

7. Sa kwento ni David at Goliath, sino sa palagay mo ikaw? (Maraming tao ang nagsasabing sila ay parang si David sa kwento. Iniisip nila na sila ay matatapang at gumagawa ng tama. Pero gusting ipaalam ng Bibliya na tayo ay hindi si David sa kwento. Mas tayo ang mga sundalong Israelita. Tayo ay mahihina at duwag at nangangailangan ng tagapagtanggol. Sa kwento, si David ay parang si Jesus na dumating para sa mga tao upang talunin ang kalaban na kasalanan at si Satan.)

579 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page