top of page
Writer's pictureHannah McCurley

2 Cronica

Message Theme & Verses: 2 Cronica


Memory Verse: 2 Chronicles 6:42 O Panginoon Dios, huwag n’yo pong itakwil ang pinili n’yong hari. Alalahanin n’yo po ang inyong ipinangako kay David na inyong lingkod na iibigin siyang lubos.


Ang aklat ng Cronica ay hinati para mapadali ang paghawak sa mga iskrol ng mga Griyego, na ‘di hamak na mas mahaba kaysa sa mga iskrol ng mga Hebreo. Hindi rin kataka-taka na ang simula ng 2 Cronica ay siya naming pagkatapos mismo ng 1 Cronica. Magbabaybay tayo mula sa paghahari ni Haring David patungo sa kanyang anak na si Solomon sa pagsisimula natin sa aklat na ito at sa pagpapatuloy upang makita natin kung papaanong ang kapalaran at kahihinatnan ng isang bansa ay nakasalalay sa mga kilos ng mga hari nito.


Kaya lang, ang Cronica ay hindi nakatuon sa militar o pang-ekonomiyang kasaysayan kundi ang binibigyang-diin ng kwento ay ang kalusugang pang-relihiyon ng mga tao. Ang kapalaran ng isang bansa ay nakabatay sa kanilang katapatan sa kasunduan sa Diyos at dito, makikita natin ang pagpapalakas nila ng loob sa mga magbabasa nito na magpakatapat rin. Ang pangunahing mambabasa ng aklat ng Cronica ay ang mga mamamayan ng Judah na nanumbalik mula sa pagkakataboy sa ibang bansa patungo sa pagbangon bilang isang sambayanan. Hindi nais ng manunulat ng aklat na ito na ang mga mambabasa ay mahulog muli sa kasalanan ng kanilang mga ninuno, kundi maging tapat sa pagmamahal and pagsunod sa Diyos nang buo nilang puso, kaluluwa,isip at lakas.


Sinasagot ng manunulat ng Cronica ang tatlong malalaking tanong na mayroon ang mga tao matapos makabalik mula sa pagkakataboy.


  1. Paano namin malalaman kung sino ang mga tagapagmana ng pangako ng Diyos pagkatapos ng pagkakataboy.

  2. Ano ang dapat naming gawin sa trono ni David at sa templo ng Jerusalem at paano ang mga ito ipag-uugnay sa isa’t-isa?

  3. Paano namin mauunawaan ang pagkakataboy at ang panunumabalik ayon sa kautusan ng Diyos at biyaya?


Ang mga tao ay tinuruan ng mga pribilehiyo ng pagiging pinili ng Diyos bilang banal na bayan sa pamamagitan ng kasunduan. Sila ay pinaalalahanan ng kanilang mga responsibilidad na panatilihin ang ang dalisay na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagsamba sa Kanya. Anuman ang nagdulot ng pagkakasundo at shalom o kapayapaan sa nakaraan ay siya ring magpapanumbalik nito sa bansa.


Sa 2 Cronica, tayo ay uusad mula sa bansang nagkakaisa sa ilalim ni Solomon patungo sa pagkakahati sa dalawa sa ilalim ng kanyang mga anak. Hindi katulad ng aklat ng Mga Hari, ang Cronica ay hindi masyadong nagtatala patungkol sa hilagang kaharian ng Israel, sa halip ay nakatuon ito sa Jerusalem, ang kapitolyo ng kaharian ng Judah. Patuloy nating makikita ang pagpapala ng Diyos sa tuwing ang hari ay tapat at pagpapalo naman sa tuwing sila ay tumatalikod sa Kanya.


Sa kabuuan, makikita natin ang biyaya ng Diyos sa kanyang bayan, lalo na habang ang Kanyang mga tao ay nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. Ang aklat ay nagtatapos nang may may dakilang pag-asa na ang bansa ay muling maibabangon sapagkat ang panibagong haring si Cyrus, ang Persian na nakagapi sa Babylon, ay hahangaring maitayong muli ang templo matapos itong nakatiwangwang ng pitumpong taon. Muli, ang bayan ng Diyos ay magkakaroon ng pagkakaton na makapasok sa kapahingahang Sabbath ng Diyos at tumugon sa Kasunduan ni David nang may tapat na pagsunod at pagsamba.


Basahin ang 2 Cronica 6:12 – 7:3


Si Jesus sa 2 Cronica


Pinili ng Diyos ang Israel na maging Kanyang bayan at pinangakuang pagpapalain ang lahat ng pamilya sa buong daigdig sa pamamagitan nila, lalo’t higit itatanghal niya ang sakdal na anak ni David upang pamunuan sila. Kapag ang Diyos ay nagtatalaga ng hari upang pangatawanan ang mga hinihingi ng posisyong ito, sila ay mga uri ng Kristo, tumuturo sa paparating na Hari. Binigyan ng Diyos ang Kanyang mga tao ng karangalan at pribiliheyo na masamba at masunod Siya, ngunit madalas sila ay ay hindi tapat at nangangailangan ng mapagbiyayang pagdidisiplina ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay tapat at Mabuti, ang mga matitinding parusa na masakop ng mga makasalanang bansa at maitaboy papalayo sa presensiya ng Diyos na kinakatwan ng templo, ay hindi magiging katapusan para sa bayan ng Diyos. Makikkta natin ang dakilang pag-asa sa ipinangakong pagbangon-muli habang ang mga tao ay pabalik sa Jerusalem at hinihintay ang perpektong hari na siyang tuluyang tutupad sa papel na pagtatatag ng kaharian ng Diyos at pagtutugon sa mga pangangailangan ng Kanyang bayan.


Mga Katanungan

  1. Kung ikaw ay hari, gusto mo ba na anak mo ang maghari o mamuno pagkatapos mo? Bakit?

  2. Kung gagawing kasaysayan ang ating bansa, o kumunidad, o tahanan, maipapakita ba nito na tayo ay naging tapat sa kasunduan ng Diyos o hindi?

  3. Kung tayo ay mananalangin para sa ating kumunidad, anong mga proteksiyon o pagpapala ang hihilingin natin sa Kanya?

  4. Kung ihahandog natin ang building na ito, anu-anong mga kasalanan ang kailangan nating ihingi ng tawad sa Diyos?

  5. Bakit sa palagay ninyo napakahirap para sa mga tao na sumunod sa Diyos at sumamba sa Kanya lamang?

  6. Nagtanong ni Solomon, “maninirahan ba talaga ang Diyos kasama ang tao sa mundo?” tinutukoy niya na imposible talaga na ang isang banal na Diyos ay makisalamuha sa mga makasalanang tao. Paano tutugunan ng Diyos ang problemang ito? (Tinugunan ng Diyos ang problemang ito sa pamamagitan ni Jesus. Ito ang sentrong katanungan sa buong Bibliya. Paanong ang isang perpektong Diyos ay makikipamuhay sa mga makasalanang tao? Pumili ang Diyos ng mga tao upang magsilbing tagapamagitan, mga taong lumalapit sa Diyos at kinakatwan ang mga mamamayan upang magnikluhod sa Diyos ng awa at biyaya. Si Moses ay isang halimbawa ng isang tagapamagitan. Si Solomon sa kwentong ito ay tagapagitan din. Alam niya na ang mga mamamayan ay magkakasala at hiniling sa Diyos na pakinggan ang kanilang pagsisisi at panaghoy na mapatawad. Sina Moses at Solomon ay mga makasalanang tao rin at sila ay mga anino lamang ng paparating na Jesus, ang perpektong tagapamagitan. Si Jesus din ay nagsisilbing isang perpektong Punong Saserdote at perpektong alay, itinigis ang Kanyang dugo upang pawiin ang poot ng Diyos at takpan ang kasalanan ng mga tao. Sinsabi ng Bibliya na magpasa-hanggang ngayon, si Jesus ay nasa kanang kamay ng Ama, namamagitan para sa atin, at hinihiling sa Ama na maawa sa mga makasalanan.)

  7. Bakit sa palagay mo nanalangin si Solomon na sagutin ng Diyos ang mga panalangin ng mga dayuhan? (Sa umpisa pa lang ang pagiging anak ng Diyos ay hindi tungkol sa lahi kundi sa pananampalataya. Ipinapakita ng Diyos rito na mahal Niya ang mga tao ng lahat ng bansa at balang araw, ang Kanyang mga pinili ay palalawakin ang bansang Israel sa mga mananampalataya mula sa lahat ng wika, tribo at bansa.)

119 views0 comments

Recent Posts

See All

Kawikaan

Comentários


bottom of page