top of page
Writer's pictureHannah McCurley

2 Cronica (Tagalog)

Message Theme & Verses: 2 Cronica


Memory Verse: 2 Cronica 6:42 O Panginoon Dios, huwag n’yo pong itakwil ang pinili n’yong hari. Alalahanin n’yo po ang inyong ipinangako kay David na inyong lingkod na iibigin siyang lubos.


Happy Family Lesson:


Ang 1 Cronica ay dating isang malaking aklat kasama ng 2 Cronica na tinatawag na “mga pangyayari sa mga nagdaang taon.”


Ang aklat ng Cronica ay hinati para mapadali ang paghawak sa mga iskrol ng mga Griyego, na ‘di hamak na mas mahaba kaysa sa mga iskrol ng mga Hebreo. Hindi rin kataka-taka na ang simula ng 2 Cronica ay siya naming pagkatapos mismo ng 1 Cronica. Magbabaybay tayo mula sa paghahari ni Haring David patungo sa kanyang anak na si Solomon sa pagsisimula natin sa aklat na ito at sa pagpapatuloy upang makita natin kung papaanong ang kapalaran at kahihinatnan ng isang bansa ay nakasalalay sa mga kilos ng mga hari nito.


Ang pangunahing mambabasa ng Cronica ay ang mga mamamayan ng Judah na bumalik mula sa pagkakataboy patungo sa ibinangong komunidad. Hindi nais ng may-akda na sila ay mahulog muli sa kaparehas na kasalanan ng kanilang mga ninuno, kundi sila ay maging tapat sa pagmamahal at pagsunod sa Diyos ng buo nilang puso, kaluluwa, isip at lakas.

Ang mga tao ay tinuruan ng mga pribilehiyo ng pagiging pinili ng Diyos bilang banal na bayan sa pamamagitan ng kasunduan. Sila ay pinaalalahanan ng kanilang mga responsibilidad na panatilihin ang ang dalisay na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng kanilang pagsamba sa Kanya. Anuman ang nagdulot ng pagkakasundo at shalom o kapayapaan sa nakaraan ay siya ring magpapanumbalik nito sa bansa.

Sa kabuuan, makikita natin ang biyaya ng Diyos sa kanyang bayan, lalo na habang ang Kanyang mga tao ay nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. Ang aklat ay nagtatapos nang may may dakilang pag-asa na ang bansa ay muling maibabangon sapagkat ang panibagong haring si Cyrus, ang Persian na nakagapi sa Babylon, ay hahangaring maitayong muli ang templo matapos itong nakatiwangwang ng pitumpong taon. Muli, ang bayan ng Diyos ay magkakaroon ng pagkakaton na makapasok sa kapahingahang Sabbath ng Diyos at tumugon sa Kasunduan ni David nang may tapat na pagsunod at pagsamba.


Basahin ang 2 Cronica 28:1-5 & 19-27

  • Pag-usapan kung paanong ang kasalanan ng isang tao ay naka-aapekto sa ibang tao. Banggitin ang mga tauhan sa Bibliya at tanungin ang mga bata kung sino ang mga nadamay sa kanilang mga kasalanan. Pagkatapos ay tanungin sila tungkol sa mga tao sa buhay nila. Abraham, David, Solomon, mga hari ng Israel at Judah.

  • Maglagay ng “diyos-diyosan” tulad ng stuffed toy na hayop o tau-tauhan at pahaingiin ang mga bata ng kendi o anuman sa mga ito. Pagkatapos ay pahingiin ang mga bata ng kendi sa mga pinuno nila (dapat magbigay ang lider ng kendi) at ipakita ang pagkaka-iba ng pagsamba sa Nag-iisang Tunay na Buhay na Diyos kesa sa bulaan o pekeng diyos.

Barkadang Lesson:


Pinili ng Diyos ang Israel na maging Kanyang bayan at pinangakuang pagpapalain ang lahat ng pamilya sa buong daigdig sa pamamagitan nila, lalo’t higit itatanghal niya ang sakdal na anak ni David upang pamunuan sila. Kapag ang Diyos ay nagtatalaga ng hari upang pangatawanan ang mga hinihingi ng posisyong ito, sila ay mga uri ng Kristo, tumuturo sa paparating na Hari. Binigyan ng Diyos ang Kanyang mga tao ng karangalan at pribiliheyo na masamba at masunod Siya, ngunit madalas sila ay ay hindi tapat at nangangailangan ng mapagbiyayang pagdidisiplina ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay tapat at Mabuti, ang mga matitinding parusa na masakop ng mga makasalanang bansa at maitaboy papalayo sa presensiya ng Diyos na kinakatwan ng templo, ay hindi magiging katapusan para sa bayan ng Diyos. Makikkta natin ang dakilang pag-asa sa ipinangakong pagbangon-muli habang ang mga tao ay pabalik sa Jerusalem at hinihintay ang perpektong hari na siyang tuluyang tutupad sa papel na pagtatatag ng kaharian ng Diyos at pagtutugon sa mga pangangailangan ng Kanyang bayan.


Mga Katanungan:

  1. Kapag may kailangan ka, sino ang unang taong nilalapitan mo? Bakit?

  2. Bakit sa palagay mo takot palagi si Haring Ahaz? (Hindi alam ni Haring Ahaz ang tungkol sa kapayapaan na nakukuha sa tamang pakikipag-relasyon sa Diyos. Sinubukan Niyang sumamba sa maraming mga diyos nagbabakasakaling isa sa mga ito ay may kapangyarihan. Inaksaya niya ang kanyang panahon at sobrang natakot siya na inihandog niya ang kanyang mga anak sa pagsunog sa kanila sa apoy upang mapasaya lamang ang pekeng mga diyos na sa katotohanan ay mga demonyo. Ang mga taong may pananampalataya kay Jesus ay hindi kailangang matakot. Sa halip, sila ay nananalangin sa totoo at makapangyarihang Tagapagligtas.)

  3. Ano ang nagbibigay sa’yo ng takot?

  4. Minsan, kahit ang mga tao ngayon ay nananalangin rin sa mga diyos-diyosan. Minsan, nagtitiwala sila sa mga pekeng diyos katulad ng kanilang pamilya, pera, or katalinuhan para maligtas sila. Ano sa palagay mo ang pinakamalaking diyos-diyosan ng mga tao ngayon?

  5. Si Haring Ahaz ay hindi tapat at ang lahat ng tao niya ay nagdusa. Maari ka bang magbigay ng pagkakataon na kung saan ang isang kaibigan o kapatid ay gumawa ng masama at ikaw ay nadamay?

  6. Paano sa palagay mo nadadamay ang iba sa mga ginagawa mo?

  7. Sa palagay mo ba natatakot si Haring Ahaz na mamatay?

  8. Bakit hindi kailangang matakot mamatay ng isang tagasunod ni Jesus? (Alam ng mga tagasunod ni Jesus na ang buhay ay hindi itong nasa mundo lang. Pagkatapos Niyang mamatay sa krus para sa ating mga kasalanan, si Jesus ay nabuhay muli. Ibig sabihin kung mananampalataya tayo kay Jesus bilang ating Tagapagligtas at sundin Siya bilang ating Panginoon, tayo rin ay magkakaroon ng bago at walang hanggan buhay kasama Niya. Hindi natin kailangang matakot na sa kamatayan dahil natalo n ani Jesus ang kamatayan. Alam natin na kung mahal natin si Jesus at tayo’y Kanya, pupunta tayo sa langit, sa piling Niya. Si Haring Ahaz ay naghandog sa maraming mga pekeng diyos, umaasang kaya ng mga itong panatilihin siyang buhay, pero walang kapangyarihan ang mga ito. Kaya’t namatay siyang may takot.)

247 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page