top of page
Writer's pictureHannah McCurley

2 samuel (Tagalog)

Updated: Mar 29, 2019

Message Theme & Verses: 2 Samuel


Memory Verse: 2 Samuel 7:26 At sasabihin ng mga tao, “Ang Panginoong Makapangyarihan ang Diyos ng Israel!” At ang sambahayan ko ay patuloy na maglilingkod sa inyo magpakailanman.


Ang 2 Samuel ang pagpapatuloy ng kwento ng 1 Samuel at noon, ang dalawang ito ay iisang aklat lang. Sa 1 Samuel, natutunan natin ang tungkol sa unang hari ng Israel, si Saul. Ngayon, sa 2 Samuel, susundan natin ang pagkahari ng pinakamamahal na hari ng Israel, si David. Susundan natin ang pag-angat ni David sa trono una sa Judah at pagkatapos sa buong Israel. Ang aklat ng Samuel ang maghahatid sa atin sa dalawang tagpo sa buhay ni David; ang maluwalhating niyang pagkahari at ang di malilimutan niyang kabiguan, nagtatapos rin ito sa mga pagmumuni-muni ni David sa kanyang buhay at mga huling salita.


Siyempre, karamihan sa mga paksa mula sa 1 Samuel ay itinuloy sa aklat na ito, ngunit hinayaan naman tayo na makita ang mga malalalim na kaisipan tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga plano habang nilalakbay natin ang kasunduan ng Diyos kay David at ang Kanyang pangakong Manunubos.


Ang Diyos ay gumawa ng walang hanggang kasunduan kay David at nangako na ang kanyang magiging anak ay magkakaroon ng kahariang hindi magwawakas. Hindi hinayaan ng Diyos na maitayo ni David ang “tahanan” ng Diyos. Sa halip, sinabihan ng Diyos si David na ang kanyang anak ang siyang magtatayo ng tahanang iyon. Ang anak ni David na si Solomon ang nagtayo ng magandang, pisikal na templo, ngunit ito ay anino lamang ng paparating na bagay. Kay Jesus talaga natin tunay na masusumpungan ang walang hanggang Hari sa Kanyang trono at ang Kanyang pangalan ay itataas sa lahat ng mga pangalan.


Makikita ng mga mambabasa ang kabuuan ng larawan ni David dito, ang kabutihan niya at ang kasamaan niya rin. Masusundan natin ang kanyang bukas na buhay bilang hari at ang kanyang mga pribadong kilos bilang ama ng tahanan. Pwede nating tingnan ang kwento na parang isang pyramid na lahat ay maayos sa buhay ni David hanggang sa pagdating sa kabanata 11 nang magkasala siya kay Bathsheba. Pagkatapos, makikita natin ang kinahinatnan ng kasalanang ito nang kumalat ito sa kanyang mag-anak at kaharian, ito ang parang tuktok ng pyramid kung saan dumausdos na lahat pababa.


Sa lahat ng ito, pinahalagahan pa rin ni David ang kanyang relasyon sa Diyos bilang pinakamahalagang bagay at nakipag-ayos siya sapagkat ang Panginoon ang Kanyang tagapagtanggol at nagbigay sa kanya ng walang hanggang kasunduan.


Ipakwento sa isang tao kung paano nila unang nakilala ang kanilang asawa. Pagkatapos ay ipaliwanag na hindi nagawa ni David sa mabuting paraan.


Basahin 2 Samuel 11:1 – 12:23


Si Jesus sa 2 Samuel


Tandaan na si David ay patikim lang ng isang paparating pa lamang. Siya nga ay matapang, matalino at kataas-taasang hari, ngunit kung anong taas ng kanyang pag-angat, siya rin naming lalim ng kanyang pagbagsak. Makikita natin na kahit ang haring pinili ng Diyos ay nangangailangan rin ng Tagapagligtas. Hindi si David ang Messias na hinihintay ng mga tao, ngunit nakaturo siya kay Jesus. Si David, ang pastol na hari mula sa Bethlehem ay naging hari sa edad na 30, tulad ng edad ni Jesus nang Siya’y magsimula sa Kanyang pampublikong ministeryo. Magtulad silang binasbasan sa katungkulang Diyos ang pumili at matagumpay na mga hari. Tuwing babasahin natin ang buhay ni David, maiisip natin kung papaanong nagtagumpay si Jesus sa kung saan lahat si David ay nabigo. Tuwing makakakita tayo ng kabutihan kay David, alam natin na siya ay puspos ng Espiritu ng Diyos at nakasisilip tayo sa biyaya na binibigay ng Diyos sa Kanyang mga tao.


Mga Katanungan

  1. Ano ang pinakamagandang katangiang pisikal ng asawa mo?

  2. Sino ang pinakamagaling na hari, president o lider ang sa palagay mo? At bakit sa palagay?

  3. Ano sa palagay mo ang dapat na ginawa ni David upang hindi siya nagkasala?

  4. Anu-anong mga kasalanan ang nagawa ni David sa kwentong ito? (Pag-iimbot – naghangad si David ng isang bagay na hindi kanya, Kalibugan – sa una, nabighani lang si David at tinukso; bagay na hindi kasalanan, ngunit hinayaan niya na ang tukso ay kumapit at ito hinayaan niyang maging kasalanan, Pagnanakaw – ninakaw ni David ang asawa ni Uriah, Pagpatay – pinatay ni David si Uriah sa pamamagitan ng pagsugo sa kanya sa digmaan kung saan alam ni David na ikamamatay ni Uriah, Pagsisinungaling – hindi ipinahayag ni David ang kanyang kasalanan at pinanatili itong lihim hanggang sa siya ay kinumpronta ni Nathan, Pagsamba sa diyos-diyosan – hindi naniwala si David na kayang punan ng Diyos ang kanyang pangangailangan sa pamamagitan ng kanyang asawa na binigay ng Diyos sa kanya, at minahal ni David ang kanyang sarili at ang kanyang kalibugan ay higit kaysa Diyos.)

  5. Ano sa palagay mo naramdaman ng mga tao tulad nina Uriah? Bathsheba? Nathan? Asawa ni David? sa mga kasalanang ito?

  6. Napapansin mo rin bang mas madaling magalit sa kasalanan ng iba kaysa sa sarili mong kasalanan?

  7. Papaano isinawalat ni Natahan ang kasalanan ni David? Sa tingin mo ba effective ito?

  8. Ano ang ibig sabihin ng pagsisisi? (Ang pagsisisi ay ang pagtanggap na ang sinasabi ng Diyos ay totoo. Ibig sabihin kinikilala natin na nabali natin ang Kanyang utos at karapat-dapat lang na maparusahan. Ang pagsisisi ay ay ang pagtalikod sa kasalanan at paglapit kay Jesus upang sumunod. Hindi lang ito pagsasabi ng “I’m sorry,” ito ay ang paglakad sa panibagong buhay.)

  9. Nagagawa mo rin bang magdahilan sa iyong mga kasalanan? Paano kaya tayo magiging magaling pagdating sa pagsisisi?

820 views0 comments

Recent Posts

See All

Kawikaan

Comentários


bottom of page