Message Theme & Verses: 2 Samuel
Memory Verse: 2 Samuel 7:26 At sabsabihin ng mga tao, “Ang Panginoong Makapangyarihan ang Dios ng Israel!” At ang sambahayan ko ay patuloy na maglilingkod sa inyo magpakailanman.
Happy Family Lesson:
Ang 2 Samuel ang pagpapatuloy ng kwento ng 1 Samuel at noon, ang dalawang ito ay iisang aklat lang. Sa 1 Samuel, natutunan natin ang tungkol sa unang hari ng Israel, si Saul. Ngayon, sa 2 Samuel, susundan natin ang pagkahari ng pinakamamahal na hari ng Israel, si David. Susundan natin ang pag-angat ni David sa trono una sa Judah at pagkatapos sa buong Israel. Ang aklat ng Samuel ang maghahatid sa atin sa dalawang tagpo sa buhay ni David; ang maluwalhating niyang pagkahari at ang di malilimutan niyang kabiguan, nagtatapos rin ito sa mga pagmumuni-muni ni David sa kanyang buhay at mga huling salita.
Ang Diyos ay gumawa ng walang hanggang kasunduan kay David at nangako na ang kanyang magiging anak ay magkakaroon ng kahariang hindi magwawakas. Hindi hinayaan ng Diyos na maitayo ni David ang “tahanan” ng Diyos. Sa halip, sinabihan ng Diyos si David na ang kanyang anak ang siyang magtatayo ng tahanang iyon. Ang anak ni David na si Solomon ang nagtayo ng magandang, pisikal na templo, ngunit ito ay anino lamang ng paparating na bagay. Kay Jesus talaga natin tunay na masusumpungan ang walang hanggang Hari sa Kanyang trono at ang Kanyang pangalan ay itataas sa lahat ng mga pangalan.
Makikita ng mga mambabasa ang kabuuan ng larawan ni David dito, ang kabutihan niya at ang kasamaan niya rin. Masusundan natin ang kanyang bukas na buhay bilang hari at ang kanyang mga pribadong kilos bilang ama ng tahanan. Pwede nating tingnan ang kwento na parang isang pyramid na lahat ay maayos sa buhay ni David hanggang sa pagdating sa kabanata 11 nang magkasala siya kay Bathsheba. Pagkatapos, makikita natin ang kinahinatnan ng kasalanang ito nang kumalat ito sa kanyang mag-anak at kaharian, ito ang parang tuktok ng pyramid kung saan dumausdos na lahat pababa.
Sa lahat ng ito, pinahalagahan pa rin ni David ang kanyang relasyon sa Diyos bilang pinakamahalagang bagay at nakipag-ayos siya sapagkat ang Panginoon ang Kanyang tagapagtanggol at nagbigay sa kanya ng walang hanggang kasunduan.
Read 2 Samuel 7
Sabihin sa mga bata na si David ay nagpuri sa Diyos dahil sa Kanyang walang hanggang pangako.
Maglagay ng mga karatula sa paligid ng kwarto na “Bahay,” “Happy Family,” “School,” “Anywhere.”
Pumili ng ilang batang maglalaro. Orasan ang mga bata. Sumigaw ng isang salita na may kinalaman sa isa sa mga nakasulat, halimbawa “ate” para sa “bahay.” Kailangang tumakbo ng mga bata papunta kung saan may kinalaman ang salitang binanggit at kailangan nila magsambit ng pasalamat sa Diyos tungkol sa lugar na napuntahan. Ang batang pinakamabilis ang panalo.
Barkadang Lesson:
Tandaan na si David ay patikim lang ng isang paparating pa lamang. Siya nga ay matapang, matalino at kataas-taasang hari, ngunit kung anong taas ng kanyang pag-angat, siya rin naming lalim ng kanyang pagbagsak. Makikita natin na kahit ang haring pinili ng Diyos ay nangangailangan rin ng Tagapagligtas. Hindi si David ang Messias na hinihintay ng mga tao, ngunit nakaturo siya kay Jesus. Si David, ang pastol na hari mula sa Bethlehem ay naging hari sa edad na 30, tulad ng edad ni Jesus nang Siya’y magsimula sa Kanyang pampublikong ministeryo. Magtulad silang binasbasan sa katungkulang Diyos ang pumili at matagumpay na mga hari. Tuwing babasahin natin ang buhay ni David, maiisip natin kung papaanong nagtagumpay si Jesus sa kung saan lahat si David ay nabigo. Tuwing makakakita tayo ng kabutihan kay David, alam natin na siya ay puspos ng Espiritu ng Diyos at nakasisilip tayo sa biyaya na binibigay ng Diyos sa Kanyang mga tao.
Questions
1. May nakapagbitaw na ba sa iyo ng pangako? Ano ito?
2. Tinutupad ba ng tao ang kanilang pangako?
3. Ano ang nararamdaman mo kapag napako ng isang tao ang pangako niya sa’yo?
4. Sa palagay mo ba tinutupad ng Diyos ang pangako Niya sa’yo? (Ang Diyos ang pinaka-makapangyarihan sa lahat at palaging nagsasabi ng totoo. Palaging tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako. Maaari nating basahin ang Bibliya para sa mga pagtupad Niya sa Kanyang mga pangako. Katapatan ang tawag dito. Pwede rin tayong gumawa ng journal o listahan ng mga mabubuting bagay na ginagawa ng Diiyos sa ating buhay.)
5. Gusto ba ang pakiramdam kapag nagsasabi ng “thank you” o “salamat” ang isang taong ginawan mo ng pabor?
6. Ano ang nararamdaman mo kapag ang isang tao ay hindi marunong magsabi ng “thank you?”
7. Ano ang mga bagay na ipinagpapasalamat mo sa Diyos?
Bakit sa palagay mo napaka-malapit ng relasyon ni David sa Diyos? (Mahal ng Diyos si David kahit na nakagawa ng mga matitinding kasalanan si David. Nakapatay ng tao si David at ninakaw pa niya ang asawa nito. Pero lubos na pinagsisihan ito ni David at hiniling sa Diyos ang kapatawaran. Tumalikod si David sa kanyang kasalanan at minahal ang Diyos nang buong puso dahil una siyang minahal ng Diyos. Ikaw at ako ay pwede ring magkaroon ng malapit na relasyon sa Diyos. Ang relasyon natin sa Kanyan ay sa pamamagitan ni Jesus na namatay para sa ating kasalanan. Kung hihilingin natin sa Diyos na patawarin tayo, nangangako Siyang papatawarin Niya tayo dahil sa perpektong buhay at sakripisyong ginawa ni Jesus.)
Comentários