Message Theme & Verses: Ruth
Memory Verse: Ruth 1:16 Kung saan kayo pupunta, doon din ako pupunta, at kung saan kayo tumira, doon din po ako titira. Ang mga kababayan n’yo ay magiging kababayan ko rin, at ang Diyos ninyo ay magiging Diyos ko rin.
Happy Family Lesson:
Ang kwento ng Ruth ay nangyari noong panahon ng mga hukom at ito ay balintuna sa kawalang-pananampalataya ng mga mamamayan ng Israel. Ito ay kwento ng katapatan, kagandahang-loob, at pagtubos sa gitna ng taggutom, kasamaan at kaguluhan kung saan ang lahat ay ginagawa ang mga bagay na tama lamang sa kanilang paningin. Nakita natin ang pangangailangan ng isang makadiyos na hari sa aklat ng mga hukom at ngayon ay masisilip natin kung saan magmumula ang hari na yaon.
Ang Ruth ay isang klasikong kwento ng pag-ibig na tinatanghal ang pagkababaeng may kabutihang asal at pagkalalakeng may paninindigan. Kapwa bayani sina Ruth at Boaz sa kwentong ito, si Ruth ay may magandang kalooban at tapat, si Boaz naman ay kumilos ayon sa karakter ng Panginoon.
Ating babasahin ang buong kwento ng Ruth ngayon. Narito ang ilan sa mga paksa na maaarin nating makita.
Kagandahang-loob – Makikita natin si Ruth at Boaz na nagpakita ng kagandahang-loob, pagpapakita ng matatag na pag-ibig ng Diyos.
Kawalan patungong Kapunuan – Ang kwento ni Naomi ang siyang bumalangkas ng kwento ni Ruth. Sa umpisa, nawalan si Naomi ng lahat at makikita natin kung paanong binusog ng Diyos ang Kanyang mga tao sa bandang huli. Hanapin natin ang iba pang mga mga babay na magkasalungat sa kwento tulad ng; mula sa patay patungong buhay, paghahanap ng kapahingahan patungong pagkasumpong ng kapahingahan, at kapaitan patungong kaginhawahan.
Ang Soberanya ng Diyos – Inilabas ni Elimelech ang kanyang pamilya mula sa Lupang Pangako at hinayaan ang kanyang mga anak na mag-asawa ng mga babaeng taga-Moab. Ganunpaman, ang Diyos pa rin kumilos kahit na sa kanilang mga kasalanan at inilapit ang pinili Niyang babae patungo sa Kanya. Makikita natin ang kanyang pananampalataya at kung papaanong idinudugsong ng Diyos ang mga Hentil sa bayan ng Diyos, lalo na sa lahi pa mismo ng Messias. Sa kabila ng taggutom, digmaan, at pagsamba sa diyos-diyosan, ang Diyos ay iniingatan ang Kanyang mga tao.
Pagtubos – Ginamit ng Diyos ang kultura ng mga Hebreo na pagtubos upang ipakita ang Kanyang dakilang pag-ibig. Ang isang tao o isang pag-aari ay maaaring mabili pabalik o mabawi ng isang kinsman redeemer na ang obligasyon ay ayusin ang mga sitwasyon.
Read Ruth
Pinagsama ng Diyos sina Ruth at Naomi upang magtulungan sa isa’t-isa. Maupo sa sahig nang magkatalikod kasama ang partner at subukang tumayo nang sabay.
Gumuhit ng larawan ng inyong pamilya at pag-usapan kung paanong ang bawat pamilya ay magkakaiba.
Barkadang Lesson:
Ang kwento ay nagtatapos sa mga katagang “at si Jesse ang ama ni David.” Siyempre ito ay si Haring David, ang makadiyos na hari na kailangan ng mga tao. Siya ang pinakamamahal na hari sa kasaysayan ng Israel, pero hindi ang buhay niya ang pangunahing punto ng aklat na ito. Kung ang mga kababaihan sa kwento ay nagpahayag na si Naomi ay may manunubos, isang anak na ibinigay ng Panginoon sa kanya, ang mga anghel naman ay magpapahayag sa mga pastol balang araw ng kapanganakan ng isang “Tagapagligtas na si Kristong Panginoon.” Lahat ng mga pangako ng Diyos ay natupad kay Jesus, anak ni David, anak ng Diyos. Makikita rin natin ang kagandahang-loob at katapatan ni Jesus sa katauhan ni Ruth at sa katauhan naman ni Boaz, ang pagkamanunubos ni Jesus.
Mga Katanungan:
Ano ang paborito mong love story?
Ano pinakamalayong lugar na ang narrating mo?
Maaari ka bang magkwento tungkol sa noong kayo ay lumipat ng bahay?
Ano sa palagay mo ang naramdaman ni Ruth nung siya ay napalayo sa kanyang mga kamag-anak?
Paano mo masasabi na ang sama ng nangyari kay Naomi na mawalan siya ng asawa’t mga anak? (Mahirap maging balo noong mga sinaunang panahon. Hindi sila makahanap ng trabaho at wala pang mag-aalaga sa kanila. Ang isang balo na walang magtatanggol ng isang lalake ay minsan kinakailangang magbenta pa ng katawan o magpaalipin. Ito ay totoo kahit na noong panahon na ni Jesus at palagi na inuutusan ng Diyos ang Kanyang mga tao na pangalagaan ang mga balo. Ang mga unang simbahan noon ay may nakatabing pondo para sa pag-aasikaso sa mga balo.)
Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng pagiging tapat o loyal?
Nais sanang umasa ni Naomi sa kanyang bayan, palayan, asawa at mga anak. Kaso nagkaroon ng taggutom sa bayan at namatay ang kanyang asawa at mga anak. Sino ang pwede niyang asahan? Sino ang pwede mong asahan?
Ano ang pinagkaiba ni Orpha at Ruth? (Pinili ng Diyos na bigyan ng pananampalataya si Ruth. Ang pananampalatayang ito ay nagbigay sa kanya ng tapang na makipagsapalarang iwanan ang kanyang tinubuang lupa at magsakripisyong alagaan ang ina ng kanyang nasirang asawa. Si Orpha ay nanatili sa kanyang bayan at kanyang mga diyos.)
Sino sa palagay mo sa kwento ang pinaka-naging Jesus at bakit?
Ano ang mga kaparaanang ipinakita ng Diyos ang pag-aaruga kina Ruth at Naomi? (Itinakda Niya ang batas patungkol sa paninimot, kasalanang Levirata, at ang pagtubos sa kamag-anak o kinsman redeemer. Binigyan Niya si Boaz ng mabuti at mapagbigay na puso. Binigyan Niya si Naomi ng karunungan para ipadala si Ruth kay Boaz. Binigyan Niya si Ruth ng katapangan para lapitan si Boaz. Ikinabit Niya ang lupain ni Elimelech kay Ruth nang sa ganun ang mga malalapit na kamag-anak ay tanggihan ang pagtubos dito. Binigyan Niya sila ng sanggol na si Obed.)
Bakit sa palagay mo mahalaga na isinama si Ruth sa genealogy o lahi ni Jesus? (May tatlong babaeng dayuhan ang nasa hanay ng lahi ni Jesus; si Tamar, si Rahab, na ina ni Boaz, at si Ruth. Ipinapakita ng Diyos ditto na si Jesus ay ang Tagapagligtas hindi lang ng mga Hudyo, kundi ng lahat ng mga tao sa buong mundo.)
Comments