top of page
Writer's pictureDan Wright

Ang Dalawang Tipan


Message Theme & Verses: Ang Dalawang Tipan


Memory Verse: Hebrews 4:12 Sapagkat buhay at makapangyarihan ang salita ng Diyos at higit na matalas ito kaysa sa alin mang tabak na may dalawang talim. Bumabaon ito hanggang sa ikapaghihiwalay ng kaluluwa at ng espiritu at ng kasu-kasuan at utak ng buto. Nakakatalos ito ng mga pag-iisip at mga saloobin ng puso.


Ang Bibliya ay koleksyon ng maraming mga aklat na nagsasalaysay ng isang kwento mula sa umpisa hanggang wakas. Kinasihan ng Banal na Espiritu ang maraming mga lalake to upang ipahayag ang katotohanan ng Diyos sa tatlong magkakaibang wika sa iba’t ibang pamamaraan. Halos kalahati ng Bibliya ay isinalaysay sa kwento at ang ikatlong hati ay patula o paawit at ang nalalabi ay patalakay, patalumpati at mga liham na naghihikayat sa atin na gumawa ng isang bagay o kumilos sa isang kaparaanan.


Isinalaysay ng Diyos ang kwento kung sino Siya at ang Kanyang plano sa sanlibutan sa 66 na aklat. Mayroong 39 na aklat Lumang Tipan at 27 na aklat naman ang sa Bagong Tipan. Nangako ang Diyos na pananatilihin Niya ang katotohanan ng Bibliya kung kaya’t magpasa-hanggang ngayon, makalipas ang 2,000 na taon matapos mamatay ni Jesus sa krus, mapagkakatiwalaan nating nasa atin ang Salita ng Diyos.


Nais ng Diyos na makilala natin kung sino Siya at pinakikilala Niya ang Kanyang sarili sa Bibliya. Nagbabasa man tayo ng mga tula o awit, mga sulat o kwento, binigyan tayo ng Diyos ng Banal na Espiritu at mga tagapagturo upang matulungan tayong maunawaan ang Kanyang plano para sa sanlibutan. Mahalaga na sa pagbabasa natin ng Bibliya na makita natin sa bawat aklat at bawat uri ng aklat nito ay nagsasabi ng mga piraso ng kwento patungkol kay Jesus. Siya ang bayani ng Bibliya, ang Tagapagligtas na sumagip sa Kanyang mga tao mula sa kanilang kasalanan.


Ang Lumang Tipan ay nagsasalaysay kung paanong ang Diyos Ama, Anak at Banal na Espiritu ay nilikha ang sanlibutan at inilagay ang tao upang pamahalaan ito. Pagkatapos ay nagkasala ang tao laban sa Diyos sa pagsuway sa Kanya at sa pagnanais na tumahak sa sarili nilang mga landas. Ang mga nalalabing bahagi ng Lumang Tipan ay kwento ng kung paano ang Diyos ay pumili ng isang tao upang magbigay pag-asa sa lahat ng mga bansa. Ang taong ito ay magiging isang pamilya at pagkatapos ay isang malaking bansa dahil sa tapat na mga pangako ng Diyos. Sa kalaunan, ang Tagapagligtas na mag-aayos ng lahat ng bagay ay manggagaling sa pamilyang ito. Ngunit ang Lumang Tipan ay natapos nab ago pa man dumating ang isang Tagapagligtas o Mesias.


Ang Bagong Tipan naman ang nagtuloy kung saan natapos ang mga propeta ng Lumang Tipan. Nagsimula ito sa linya ng angkan ni Jesus, nagpapakita na Siya ay nagmula sa lahi ni Abraham, anak ni Adan at anak ni Haring David, ang dakilang pinuno ng Israel. Pagkatapos ay makikita natin ang buhay ni Jesus, kasama ang Kanyang kamatayan sa krus para sa kasalanan ng Kanyang mga tao at ang Kanyang pagkabuhay na magmuli. At ang nalalabing mga Kasulatan ay mga katuruan para sa simbahan at pag-aantabay sa pagbabalik ni Jesus upang husgahan ang mga masasama at pagliligtas sa mga tao ni Jesus. Kung kaya ang Lumang Tipan ay inaantabayanan ang Tagapagligtas na si Jesus, samantalang ang Bagong Tipan naman ay inaalala ang pagliligtas na ginawa ni Jesus.

Wala tayo ng mga orihinal na pinagsulatan ng mga propeta at ng mga apostol. Pero mayroon tayong maraming kopya na masasabing 99.5% puro at tama ang pagkakasulat. Halimbawa, mayroon tayong mga 6,000 kopya sa Griyego ng Bagong Tipan at 21,000 na kopya sa ibang wika. Ang mga kopya na mayroon tayo ay 100 taon na nakopya mula sa orihinal na nasulat. Dito malalaman natin na si Jesus ay totoo at bahagi ng kasaysayan. Kung ihahambing, lahat tayo ay nainiwala na totoo si Caesar, ngunit mayroon lamang tayong 10 kopya ng dokumento patungkol sa kanya na nakopya lamang noong 1,000 matapos ang mga pangyayari.


Kahit magpasahanggang ngayon, nakakahanap pa rin ang mga tao ng mga sinaunang kopya ng mga aklat sa Bibliya. Noong 1946, may isang batang lalake na nag-aalaga ng mga kambing ang nakahanap ng mga nakatagong dokumento, mga 900 piraso, sa isang kweba sa Middle East. Ang mga scrolls na ito ay marahil itinago sa kwebang ito noong mga panahong sinira ng mga Romano ang Templo ng Jerusalem noong AD 70. Ang mga Temple Scroll ay kabilang sa mga dokumentong ito at may edad na 2,000 taon, at 8 metro ang haba ng pagkakasulat. Purihin ang Diyos, na sa pamamagitan ng mga scrolls na ito na nakatago sa mga banga, ang Salita ng Diyos ay naingatan. Ang mga nakasulat sa mga scroll na ito ay halos katulad na katulad ng mga nasusulat sa Bibliyang mayroon tayo ngayon.


Questions:

1. Ilan ang mga aklat sa Bibliya? (66) Old Testament? (39) New Testament? (27)

2. Ano ang tatlong wika ang ginamit ng mga may-akda upang masulat ang Bibliya? (Hebrew, Aramaic, Greek)

3. Anong uri ng Literatura ang halos bumubuo sa Bibliya? (Narrative/Salaysay, 43%)

4. Sino ang bayani sa Bibliya?

5. Kailan winasak ang Templo ng Jerusalem? (AD 70)

6. Mas mainam ban a iba-iba ang uri ng pagkakasulat ng Bibliya? Bakit?

7. Ano sa palagay mo ang layunin ng pagkakasulat ng Bibliya?

270 views0 comments

Recent Posts

See All

Kawikaan

Comments


bottom of page