top of page
Writer's pictureDan Wright

Deuteronomio (Tagalog)

Message Theme & Verses: Deuteronomy


Memory Verse: Deuteronomy 6:4-5 Makinig kayo, O mga mamamayan ng Israel; Ang Panginoon na ating Dios ay iisang Panginoon lang. Mahalin ninyo ang Panginoon na inyong Dios nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buo ninyong lakas.


Happy Family Lesson:

Ang Deuteronomy ang ikalima at pinakahuling aklat sa Pentateuch, isinulat ni Moses. Marahil tinapos ni Joshua ang huling kabanata nito dahil nagsasalaysay ito ng pagkamatay ni Moses at ng pagtanggap ng Israel kay Joshua bilang bagong pinuno. Ang ibig sabihin ng Deuteronomy ay ikalawang kautusan, pero mas tila mas mainam itong tawaging “kopya ng kautusan”. Si Moses ay nangaral ng tatlong sermon tungkol sa kautusan at nagbigay ng dalawang prophetic na tula tungkol sa kinabukasan ng Israel sa Deuteronomy.


Ang layunin ng aklat na ito ay upang ihanda ang mga tao sa pagpasok sa Lupang Pangako. Tinutulungan ni Moses ang mga tao na alalahanin ang mga pagkakataong nagkasala sila at hinihikayat sila na mahalin at sundin ang Diyos. Alam niya na ang Diyos ay isasakatuparan ang Kanyang mga pangako sa mga patriarchs na bibigyan sila ng lupain. Alam niya rin na kung ang mga tao ay sasamba sa mga diyus-diyosan at mabigo sa pagsunod sa utos ng Diyos, sila ay itataboy mula sa lupain. Ang Deuteronomy ay isang magandang aklat pag-transition. Nagtatapos ito sa kautusan ni Moses at inihahanda ang mga susunod na mga makasaysayang aklat.


Pwede rin nating isipin na ang Deuteronomy ay parang huling paalam ni Moses. Alam niya na siya ay malapit nang mamatay at hindi makakapasok sa Lupang Pangako. Si Moses ay tagapagbigay ng kautusan sa Israel, ang pinili ng Diyos na tagapamagitan. Pinakikiusapan niya ang mga tao na maging tapat sa kanilang kasunduan sa Diyos.


Kahit na maraming mga kautusan ang ibinigay para sa mga espesipikong mga pangyayari, ang mga ito ay mahalaga pa rin kahit sa panahong ito. Hindi na natin sinusunod pa ang sistema ng pag-aalay dahil ito ay naisakatuparan na ni Jesus sa krus, pero ang mga prinsipyong matatagpuan doon ay kagamit-gamit pa rin sa atin. Ang batas ng Diyos ay nagsasabi sa atin kung paano mamuhay ng mabuting buhay na payapa na kung tawagin sa Bibliya, Shalom. Tayo ay nilikha sa wangis ng Diyos at ang kautusan ng Diyos ay nagrereflect ng kanyang character. Palaging ina-address ng Deuteronomy ang “puso” ng mga tao at tayo rin ay katulad na hangarin na maging banal na mamamayan. Tandaan, ang kahulugan ng banal ay maging kakaiba o ihiniwalay at mamuhay ayon sa panuntunan ng Diyos, hindi ng sanlibutan.


Read Deuteronomy 6 and then show Tefillin video and explain works vs. heart change.


Barkadang Lesson:

Ang Deuteronomy ay nagpapakita na kinakailangang kumilos ng Diyos sa puso ng mga tao kung nais nilang tunay na mamuhay bilang mga tao ng Diyos. Dapat tayong magpakita ng pagmamahal bilang tugon sa pagmamahal ng Diyos sa atin. Mabibigo ang Israel sa pagtupad nito dahil hindi kayang magbago ng puso ang kautusan. Kailangang antabayanan ng mga tao ang araw kung kailan maisasabuhay ni Jesus ang kautusan ng perpekto, mamatay para sa kasalanan at isugo ang Banal na Espiritu upang taunay na mabago ang mga puso.


Ang Deuteronomy ay tumuturo sa kinabukasan kung kailan ang Israel ay magkakaroon ng hari at inuutusan ang hari na magbulay-bulay sa turo ng Diyos. Kabisado ni Jesus, na siyang Salita ng Diyos, ang kautusan at ginamit Niya ito noong tuksuhin Siya ni Satanas sa ilang. Si Jesus ang tagapagmana ng trono ni Haring David at siyang tunay na Hari ng hindi lang pisikal na Israel, kundi ng mga ispiritual na anak ni Abraham, ang Simbahan, at kahit ng buong mundo.


Si Moses ay ang piniling tagapamagitan ng Diyos para sa Lumang Kasunduan na ito, pero si Jesus, Anak ng Diyos, ay ang tagapamagitan ng Bagong Kasunduan kung saan ang kautusan ay hindi nakasulat sa bato kundi sa puso ng bawat tao. Si Jesus ay parehas na Tupa ng Passover at ang paparating na Propeta na binanggit sa Deuteronomy at kinatawan ng lahat ng mga inalay na mga hayop. Walang kapatawaran ng kasalanan kung walang pagkatigis ng dugo, ngunit ang dugo ng mga tupa at kambing ay hindi makapaglilinis sa atin. Tanging ang perpekto, isang beses lamang at pangkalahatang sakripisyong dugo ni Jesus ang makapag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Ang Lumang Kasunduan ay mabibigo dahil ang mga tao ay marupok at makasalanan. Sa wakas, ito ay naisakatuparan n ani Jesus sa Kalbaryo at ang Bagong Kasunduan ay naitatag na ng dugo ni Jesus.


Barkadang Questions

1. Sino ang kakilala mong may matalas na memorya?


2. Nakakalimutan mo rin ba ang mga sinasabi ng mga magulang mo?


3. Bakit sa palagay mo ipinabigay ng Diyos kay Moses ang kautusan nang maka-ilang beses?


4. Bakit importante na ituro ang Salita ng Diyos sa mga bata?


5. Bakit sa palagay mo tapa tang Diyos sa Kanyang Kasunduan? (Tapa tang Diyos dahil sadyang tapat Siya. Siya ay tapat hindi dahil gusto Niyang magustuhan Siya nang mga tao. Pinili ng Diyos ang Kanyang mga tao upang luwalhatiin si Jesus at upang ipakita kung gaanong kadakilang Tagapagligtas Siya. Ang Diyos ay tapat upang Makita ng mundo kung gaano kadakila ang Kanyang pangalan.)


6. Anong mga tema ang matututunan natin sa Deuteronomy 6? (Sa Lumang Kasunduan, ang mga tao ay kinakailangang sumunod sa kautusan upang manatili sa lupain; Mayroon lamang iisang Diyos; Ang pag-ibig sa Diyos ang pinakamahalagang kautusan; Isusulat ng Diyos ang kautusan sa mga puso ng tao; Dapat nating ituro ang utos ng Diyos sa ating mga anak; Ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga pangako; Ang Diyos ay nagbibigay ng mga mabubuting bagay sa Kanyang mga tao; Natubos na ng Diyos ang Kanyang mga tao (mula sa Egipto); Ipinagbabawal ang pagsamba sa diyus-diyosan; Pinarurusahan ng Diyos ang kasalanan; Ang pagsunod sa utos ng Diyos ay makabubuti sa atin; Kayang talunin ng Diyos ang mga kalaban ng Israel; Ilang beses na ang mga ito ay naulit sa dulo ng kabanata.)


7. Magsusuot ka ba ng teffilin? Sa palagay mo nakakatulong ba ito upang ang mga Judio ay mapunta sa langit?


8. Ano ang ibang mga paraan ang ginagawa ng tao upang mapunta sa langit?


9. Bakit hindi kaya ng taong sundin ang Kautusan ng Diyos?

Bakit mas mapalad tayo kaysa sa mga tao ng Israel? (Tayo ay nabubuhay sa panahon na tapos nang isakripisyo ni Jesus ang Kanyang sarili para sa mga makasalanan. Dahil sa kasalanan, hindi makayang sundin ng Israel ang kautusan. Si Jesus ay hindi nagkasala at nasunod Niya ang kautusan nang perpekto. Kahit na hindi Siya karapat-dapat parusahan, tinaggap ni Jesus ang parusa ng poot ng Diyos na ibinuhos sa Kanya. Ang poot ng Diyos laban sa kasalanan ay naibsan at dahil si Jesus ay naparusahan, hindi na natin pang kailangang maparusahan. Kung tayo ay may pananampalataya kay Jesus, sa halip na tingnan ang ating mga kasalanan, ang tinitingnan ngayon ng Diyos ay ang kabutihan ni Jesus. Sa halip na tayo ay isumpa, tayo ay pinagpala ng Diyos. Hindi na ngayon ikinahihiya ng Diyos na makasama ang Kanyang mga tao. Isa pa, si Jesus rin ay nabuhay mula sa mga patay at umakyat sa langit, patunay na Siya ay tunay na Diyos. Sunod, isinugo Niya ang Banal na Espiritu upang makipamuhay kasama ng Kanyang mga tao. Ibig sabihin, kung tayo ay tunay na mga Kristiyano, ang Banal na Espiritu ay nabubuhay sa ating mga puso at tinutulungan tayo na makilala ang kasalanan at piliin nating mahalin ang Diyos at sundin Siya.)

1,039 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page