top of page
Writer's pictureHannah McCurley

Esther (Tagalog)

Updated: Mar 29, 2019

Message Theme & Verses: Esther


Memory Verse: Esther 4:14 Sapagkat kahit na manahimik ka sa panahong ito.


Si Esther ay isang matapang at mapag-sakripisyong bayani sa kanyang mga tao at ang aklat na ito ay nagsasalaysay ng kanyang kwento at nagtatag ng isang pista na magpasahanggang ngayon ay pinagdiriwang. Hindi natin alam kung sino ang sumulat ng aklat ng Esther, ngunit pamilyar sila ay pamilyar sa mga Hudyo na nasa pagkakataboy katulad nina Esther at ang kanyang pinsan at isang tagabantay na si Mordecai. Ayon sa mga natutunan natin sa aklat na Ezra at Nehemiah,maraming mga Hudyo ang nagbalik sa Jerusalem mula sa pagkakataboy upang itayong muli ang bayan, ngunit may mga nanatili sa Emperyo ng Babylonia na ngayon ay nasa pananakop na ng mga Taga-Persia.


Ang mga Hudyo ay maliit na pangkat lamang at minsan ay napagmamalupitan. Ang magandang kwentong ito, puno ng panganib, aksiyon, at mga kabalintunaan, ay nagsasalaysay kung papanong iniingatan ng Diyos ang Kanyang mga tao sa pamamagitan ng simpleng pagtatakda Niya sa kalikasan at pangyayari. Walang mga himalang nangyari sa aklat ng Esther at ang pangalan ng Diyos ay hindi man lamang nabanggit kahit isang beses, ngunit makikita natin ang Kanyang mga tao na nag-aayuno at nananalangin at mapapansin natinang Kanyang kamay na gumagabay sa mga pangyayari. Sinasabing si Esther ay iniluklok sa kanyang katayuan “sa tamang-tamang panahon” na ililigtas ng Diyos ang Kanyang mga tao mula sa pagkakalipul at maging ang hindi pagpapatulog ng Diyos sa Hari ay nagpapakita kung paanong itinatakda at ipinakikilos ng Diyos ang lahat ng mga bagay.


Si Jeremiah, bago pa man ang pagkakataboy, ay nagsabi sa mga tao na “hanapin kung ano ang makabubuti sa para sa lungsod” at ganun din ay “manalangin sa Panginoon para sa lungsod”, pagpapakita kung paanong ang Diyos ay kayang kumilos sa anumang lugar, kahit pa ang mga namumuno dito ay hindi kinikilala ang Diyos o pinagmamalupitan ang Kanyang mga tao. Ang masamang kalabang si Haman ay sinubukang lipulin ang mga tao ng Diyos at tinawanan lang ng Diyos ang kanyang mga pinagpaguran at sa huli ay makikitang si Haman ay binitay sa bigtihang ipinagawa niya para ibitay si Mordecai. Ang Purim, ay pistang magpasahanggang ngayon ay ipinagdiriwang pa rin ng mga hudyo na may kagalakan, tawanan, at kasiyahan na sinasamahan ng mga maiingay na tunog upang lunurin ang pangalan ni Haman kapag ang aklat ay binabasa, may mga regalo, pagbibigay ng pagkain sa mga dukha, perya, at mga handaan.


Maraming tao sa panahon ngayon ang magugustuhan ang kwento ni Esther dahil may pagandahan, may magandang babaeng bayani, may mga pagbabanta sa mga bida, nakakakaba, masining na katarungan, mga kakaibang lugar at isang magandang wakas. Sa Esther, makikita natin ang mga paksa na magkasalungat at pagsasalungat. Mayroon ding pag-aayuno, kasabay ng mga handaan at pista. Si Reynang Vashti ay sumuway sa Hari, ngunit si Esther sumunod kay Mordecai. Bilang ganti si Mordecai naman ay sinuway ang utos ng masamang si Haman, bagkus sinunod ang utos ni Esther. Pinayuhan ni Haman ang hari at nagpatupad ng mga matitinding kautusan, ngunit kinailangan niya namang magmakaawa kay Esther. Ang Hari ay pinakita bilang isang makapangyarihan at mataas sa umpisa, ngunit sa kalaunan ay naihayag bilang mahina at hindi maalam. Kapag binabasa natin ang Esther, maiisip natin kung paano madalas na ibinabaliktad ang mga tila masasamang bagay para sa Kanyang kaluwalhatian at sa ating ikabubuti. Pinalaya Niya ang Kanyang mga tao sa Egipto sa Exodus at ibinalik sila mula sa Pagkakataboy. Ginamit ng Diyos kahit ang mga kagamitang pamparusa, kamatayan at kahihiyan upang makamit ang pinaka-dakila Niyang tagumpay.


Ipinapakita ng Esther na ang Diyos ay palaging nasa Kanyang mga tao kahit na ang presensiya Niya ay tila ba nakakubli.


Read Esther 4:1-17


Si Jesus sa Esther


Ang pangalan ng Diyos ay hindi nabanggit sa Esther, kaya di maiwasang maisip na hindi makikita si Jesus sa aklat na ito, pero siyempre, naandito Siya. Kung hindi inilagay ng Diyos si Esther sa palasyo ng Hari, marahil ay nalipol na nang tuluyan ang mga Hudyo at hindi sana nakarating si Kristo. Makikita ng mga Kristiyano na iniingatan at pinananatili ng Diyos ang mga anak ni Abraham sa layuning makapagbigay ng pagpapala sa buong mundo. Makikita natin ang pagkilos ng Diyos sa pang-araw-araw na buhay ng Kanyang mga tao at pag-antabay nila sa pinakasakdal na gawa ng pagsugo sa Kanyang Anak na si Jesus upang iligtas ang Kanyang mga tao mula sa kanilang mga kaaway, kamatayan at kasalanan sa kanilang mismong mga puso. Habang inaantabayanan rin natin ang muling pagbabalik ni Jesus, maaari rin tayong maging payapa at matapang kahit na ang mga namumuno sa mundo ay salungat o umuusig sa mga tao ng Diyos. Kahit ngayon, ay maaari tayong mag-ayuno at manalangin para sa ating mga kapatid sa pananampalataya na hindi nakararanas ng kalayaan na sumamba nang katulad natin.


Mga Katangungan

  1. Si Esther kasali sa isang pagandahan kung sino ang susunod na reyna. Ano ang tingin mo sa mga ganitong patimpalak?

  2. Ano ang isang paraan na ginagawa ng maraming kababaihan upang sila ay maging maganda?

  3. Mas mahalaga ba sa iyo para sa isang tao ang panlabas na kaanyuan o ang kalooban? Bakit?

  4. Si Esther ay maganda, ngunit siya rin ay matapang at handang humarap sa hari kahit na ang maaaring kapalit nito ay kamatayan niya. Ano ang pinakamatapang na ginawa mo na sa iyong buhay?

  5. Ano ang mararamdaman mo kung mayroon kang isang bagay na hihilingin sa isang taong may katungkulan at alam mong ito ay ikagagalit niya? Hihilingin mo pa rin ba ito?

  6. Maaari pa rin masabing ang aklat na ito ay tungkol sa Diyos kahit na ang Kanyang pangalan ay hindi man lamang nabanggit rito? Sa palagay mo dapat itong isama sa Bibliya? (May ilang mga dalubhasa, kasama na si Martin Luther, ay nakipagtalo na ang aklat na ito ay hindi dapat isinama sa Bibliya, ngunit ito ay kinilala ng mga hudyo na bahagi ng canon maraming panahon na bago pa man ang panahon ni Kristo. Si Josephus at iba pang mga dalubhasang Hudyo ay kinikilala ito bilang bahagi ng Bibliya at ang Council of Carthage noong AD 397 ay inilista ito kasama sa mga aklat sa Lumang Tipan. Siyempre ito rin ay sang-ayun sa mga kauruan ng Bibliya at nagpapakita na ang Diyos ay sumasa-Kanyang mga tao at kumikilos kahit na tila nakatago ang Kanyang presensiya. Kahit na hindi nabanggit ang Kanyang pangalan, makikita natin ang Diyos nang malinaw sa aklat ng Esther at malalaman na iniingatan Niya ang Kanyang mga tao at ang Kanyang plano na tubusin ang mundosa pamamagitan ng Kanyang anak at iligtas ang Kanyang mga tao sa kanilang kasalanan.)

  7. May naiisip ka bang kaparehas na kwento, sa Bibliya o iba na kung saan ang kontrabida ay nakuha kung ano talaga ang nararapat sa kanya sa bandang huli?

  8. Ano sa tingin mo ang itinuturo ng aklat ng Esther tungkol sa buhay-Kristiyano natin ngayon? (Mayroon palaging mga pag-uusig sa mga mamamayan ng Diyos at ang Diyos ay laging sasaatin. Dapat nating hanapin kung ano ang makabubuti sa ating lungsod at sa ating kapwa kahit na hindi sila mga Kristiyano. Maaari tayong mag-ayuno at manalangin, humingi ng tulong sa Diyos. Ipagdiwang natin ang mga dakilang bagay na ginawa ng Diyos. Hindi tayo dapat matakot sa kung ano ang maaaring gawin sa atin ng tao, kundi maging matapang tayo at magtiwala sa Diyos. Maging handa tayo na mag-sakripisyo para sa iba. Magtiwala tayo na ang kinalalagyan natin ngayon ay kung saan talaga tayo nais ilagay ng Diyos at maghanap tayo ng mga pagkakataon na magamit Niya upang ibahagi ang Mabuting Balita ni Jesus sa iba.)

1,926 views0 comments

Recent Posts

See All

Kawikaan

Comments


bottom of page