top of page
Writer's pictureHannah McCurley

Ezra (Tagalog)

Message Theme & Verses: Ezra


Memory Verse: Ezra 3:12 Nandoon ang maraming matatandang pari, mga Levita, at mga pinuno ng mga pamilya na nakakita noon sa unang temple. Umiyak sila nang malakas nang makita nila ang pundasyon ng bagong temple. At marami rin ang sumigaw sa galak.


Happy Family Lesson:


Katatapos lang palayain ng Diyos ang Kanyang mga tao mula sa pagkakataboy sa banyagang lupain. Hinipo Niya ang puso ng mga banyagang hari upang palayain sila at ngayon ang mga tao ay nakabalik na sa Jerusalem kung saan ang templo ay winasak at ang mga dayuhan ay nagkalat sa paligid. Si Ezra, isang pari at eskriba ay nagsimulang magturo sa mga tao kung papaanong mahalin at sundin ang Diyos. Ang mga tao ng Diyos ay pinalaya upang magmahal at maglingkod sa Kanya nang naaayon sa Kasunduan dahil ang awa ng Diyos ay higit pa sa Kanyang galit.


Noong una, ang aklat na ito ay kasama ng Nehemiah, ang susunod na aklat, at kahit ngayon sa Kasulatan ng mga Hudyo ay ganoon pa rin. Ang mga nasusulat rito ay napakahalaga sa aklat na ito. Ito ay mga nakasulat na Kasunduan na nagpapalaya sa mga tao ng Diyos at mga liham na nagsisimula at nagtatapos ng pagpapatayo ng templo. Sa mga panahong ito, sa pagbabalik ng mga tao ng Diyos mula sa pagkakataboy, na ang mga propeta ay nagsimulang maging tahimik at hindi magsasalita sa loob ng 400 na taon hanggang sa pagdating ni John the Baptist, ang huling propeta. Kung kaya ang mga tao ng Diyos, katulad ngayon, ay kinakailangang umasa sa Salita ng Diyos upang turuan sila ng patungkol sa Diyos at kung ano ang sinsabi Niya sa atin. Dito sa Bibliya, mayroon tayong otoridad, kalakasan ng loob, at pag-asa.


Ang mga tao ng Diyos ay sa Diyos hindi dahil sa lahi o kapanganakan nila, kundi sila ay mga taong pinagkasundo, pinili ng Diyos upang ihiwalay sa sanlibutan, upang sambahin Siya, at pagpalain ang ibang tao. Ang pagsamba sa Diyos nang naayon sa kagustuhan Niya ay pagpapakita sa Diyos na minamahal at iginagalang Siya ng mga tao. Nakatitiyak si Ezra na ipanunumbalik niya ang tamang pagsamba at sasambahin ng mga tao ang Diyos nang may kagalakan.


Napakagandang pagmasdan na ang kwento ng bayan ng Diyos ay hindi nagtapos sa pagkakataboy nila sa ibang bansa. Ang Diyos ay tapat sa Kanyang mga tao at tapat sa Kanyang pangako na ikalat ang ilaw ng Kanyang kaharian sa buong mundo, sa pamamagitan ng Kanyang mga tao. Naramdaman ng mga tao ang poot ng Diyos sa pagkakataboy, nagsisi at nagsumikap na manatiling tapat sa ating dakilang Diyos. Mayroong pagdiriwang sa gitna ng pagkakasala at pagsisisi sapagkat ang mga tao umaasa sa sinaunang mga pangako ng kalayaan na makapaglingkod sa Diyos bilang Kanyang mga tao.


Basahin ang Ezra 7:25-28

  • Pagawin ang mga bata ng isang liham na nagsasabi patungkol sa Diyos.

  • Pwedeng magpaligsahan ang mga bata ng padamihan ng malilista mula sa sampung utos – magbigay ng premyo

  • Sa mga maliliit pwedeng maglaro ng utos-utusan o ‘kumuha ng ganitong kulay’.

Barkadang Lesson:


Muli pa, bagama’t sila ay nagkasala at naramdaman ang paghatol ng Diyos, makikita natin ang panunumbalik ng mga tao ng Diyos sa Kanya sa pagsisisi habang sila ay pinangungusapan ng Salita ng Diyos. Katulad noong panahon ni Josiah na pinakitaan siya ng mga natagpuang Aklat ng mga Kautusan, ang mga tao ay muling nagdiwang ng Paglampas, inaalala ang pagliligtas ng Diyos sa kanilang mga ninuno at inaantabayanan ang kaligtasang darating sa pamamagitan ni Jesus, ang Mesias. Handang kumprontahin ni Ezra ang mga tao sa kanilang mga kasalanan, katulad rin ng gagawin ni Jesus sa Bagong Tipan kapag Siya ay dumating nang nangangaral ng “magsisi at manampalataya”. Makikita natin ang mga puso ng mga tao ng Diyos na pinalambot ng awa at biyaya ng Diyos, at hinahangad nilang sumamba sa paraan na makalulugod sa Diyos. Nagtayo ng pisikal na templo ang mga tao dahil gusto nilang maramdaman ang presensiya ng Diyos, na naninirahan kasama nila. Hindi maglalaon tatawagin ni Jesus ang Kanyang sarili bilang templo na mas mainam na paraan ng paninirahan ng Diyos kasama ang Kanyang mga tao, kesa sa pamamagitan ng mga bato at tisa. Makikita rin natin na ang mga tao ng Diyos, ang simbahan, ay naging templo kapag ang Banal na Espiritu ay nanirahan sa kalooban ng mga mananampalataya upang sila’y bigyang kapangyarihan bilang mga kinatawan ng Mabuting Balita ni Cristo Jesus. Hindi na natin ngayon kailangan ng templo at wala na ring templo sa Bagong Jerusalem, dahil sinabi sa Pahayag 21:22 na “ang templo nito ay ang Panginoong Diyos na Dakila at ang Kordero”. Sa pagbabalik ni Jesus, tayo ay magsasaya at magdiriwang nang may mas dakilang kagalakan kesa sa noong makita ng mga tao ng Diyos ang baging templong itinayo matapos ang pagkakataboy nila.


Mga Katanungan:

  1. Ano ang pinakamalaking gusali ang nakita mo na?

  2. Naransan mo na bang maging masaya at malungkot nang sabay? Maaari mo bang ikwento ang tungkol dito?

  3. Ano ang pinakamaganda o pinakamasayang party ang nadaluhan mo na? Paano mo nasabi?

  4. Naipatayo ni Cyrus ang templo sa Jerusalem sa pamamagitan ng paglalabas ng kasunduan. Anong batas sa Pilipinas ang sa tingin mong mabuti at malaki ang naitutulong sa mga tao?

  5. Kaya naman sana ng Diyos na magpasulpot na lang ng templo sa Jerusalem, ngunit sa halip ay gumamit Siya ng Hari, mga karpintero, mga pari, at mga Levita. Bakit sa palagay mo gumagamit ang Diyos ng mga tao? (Gusto ng Diyos na isali ang mga tao sa Kanyang mga plano. Hindi man ito ang pinakamainam o pinakamabisang paraan dahil ang mga tao ay makasalanan at hindi perpekto katulad ng Diyos. Ngunit katulad ng isang ama na hinahayaan ang kanyang anak na magkumpuni ng ng sirang dingding upang turuan siya at bigyan siya ng silbi, gumagamit ang Diyos ng Kanyang mga tao. Inilalapit ng Diyos ang Kanyang mga tao sa Kanya, tinuturuan silang magmahal katulad ni Jesus at binibigyan sila ng silbi o layunin sa buhay.)

  6. Kung ikaw si Ezra at pumunta ka sa inyong kumunidad ngayon, ano sa palagay mo ang pinakamalaking kasalanan ang sasabihin mo sa mga tao na dapat nilang pagsisihan at talikuran?

  7. Magkwento ka tungkol sa naging pinakamagaling mong teacher.

  8. May mga taong hindi nakinig sa mga turo ni Ezra na binitay. Ano ang pinakamatinding parusa sa inyong paaralan?

  9. Bakit sa palagay mo napakahalaga para sa mga tao ang sumunod sa utos ng Diyos? (Ang mga tao ay niligtas ng Diyos mula sa pagiging dayuhan at bilanggo sa isang banyagang lupain. Ang unang bagay na ginawa nila noong sila ay bumalik ay ang pagtatayo ng templo upang ipakita na ang Diyos ang sentro ng kanilang mga buhay. Hindi nila sinunod ang utos ng Diyos UPANG sila ay iligtas ng Diyos. Sila ay naligtas na muna. Sumunod sila sa kautusan dahil mahal nila ang Diyos at alam ng Diyos ang pinakamainam para sa kanilang pamumuhay. Ganun din naman sa atin. Nasuway na natin ang utos ng Diyos sa pamamagitan ng pagsisinungaling, pagnanakaw, pagsamba sa mga ibang bagay kesa sa Diyos, paghahangad ng hindi sa atin, at hindi paggalang sa ating mga magulang. Hindi natin kayang masunod ang kautusan ng perpekto. Hindi natin kayang iligtas ang ating mga sarili. Kailangan natin ng Tagapagligtas. Salamat na lang, isinugo ng Diyos si Jesus upang maging ating Tagapagligtas. Magsisi kayo sa inyong mga kasalanan ngayon at sumunod kay Jesus!)

236 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page