top of page
Writer's pictureDan Wright

Hagar (Tagalog)

Ina: Hagar


Mga Anak: Ishmael


Gospel Connection:

Nakikita ng Diyos ang mga tao at tumutulong Siya sa mga ipinagtabuyan.


Ice Breaker Question

Bilang isang ina, may mga bagay tayong ginagawa na hindi nakikita ng iba o hindi man lang tayo napapansin at napararangalan. Ano ang isang bagay na ginagawa mo na gusto mo sanang malaman ng asawa mo, mga anak o ng ibang tao?


Bible Reading: Genesis 16:1-16


Buod

Sina Abraham at Sarah ay walang pananampalataya at gumawa ng sarili nilang paraan upang tuparin ang pangako ng Diyos para sa kanilang pamilya. Si Hagar ay ginamit ng mag-asawang ito at kalaunan ay pinagmalupitan ni Sarah. Si Hagar ay hindi mula sa bayang pinili ng Diyos, ngunit siya ang pinakaunang tao sa Bibliya na nagbigay ng pangalan sa Diyos. Tinawag niya ang Diyos na ‘ang Diyos na nakakakita’ at binigyan naman ng Diyos ng pangalan ang kanyang anak na Ishmael, na ang ibig-sabihin ay “ang Diyos ay nakikinig.” Ang Diyos ay may dakilang pag-ibig at pagkalinga sa isang alipin na hindi naman ginustong maging isang ina agad. Maaaring sabihin ng iba na ang anak ni Hagar na si Ishmael ay isang pagkakamali, pero ang Diyos ay hindi nagkakamali. Ikaw ay hindi pagkakamali. Ang sanggol mo ay hindi pagkakamali. Pinili ng Diyos na ikaw ay ipanganak at ang iyong sanggol na maipanganak. Tumawag ka sa Diyos na nakakakita sa iyo at sa iyong sitwasyon and nakaririnig sa iyong mga daing. Tumalikod ka sa iyong mga kasalanan at ilagay mo ang iyong pananalig kay Jesus. Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.


Mga Tanong para Pag-uusap

1. Sa palagay mo ba mahalaga na ang Diyos ay tumanggap ng isang pangalan na iminungkahi ng isang babae na parehas na alipin at dayuhan?

Ipinapakita ng Diyos na siya ay ang nag-iisang tunay na Diyos para sa lahat ng tao. Siya ay Diyos ng mga lalake at babae, mayaman at mahirap, at ng lahat ng bansa sa sanlibutan. Ang Diyos ay walang matataas na position sa lipunan noong mga panahong iyon, ngunit nakita ng Diyos si Hagar, kahit na siya ay mababa. Narinig ng Diyos ang kanyang daing at tinulungan Niya siya.


2. Perpekto ba si Hagar sa kwento?

Sinabi ng Bibliya na “tiningnan nang may paglapastangan” ni Hagar si Sarah. Ibig sabihin nagsimula siyang makaramdam ng pagmamataas na siya ay kayang mabuntis at si Sarah ay hindi. Hindi perpekto si Hagar, ngunit siya pa rin ay biktima ng kasalanan ng iba. Ang buhay ay maaaring maging ganoon at maaari rin tayong maging parehas na makasalanan at magawan ng kasalanan ng ibang tao. Nangako ang Diyos na magbibigay ng kapatawaran at kaaliwan sa lahat ng mga nagtitiwala kay Jesus.


3. Akala ni Hagar ay napakasama ng buhay niya para magpatuloy pa kaya siya ay tumakbo sa disyerto, na halos isang pagpapakamatay. May pagkakataon ba sa buhay mo na parang nawalan ka na ng pag-asa?

Hayaan ang iba na magkwento


4. Si Sarah ay nagselos kay Hagar. Nakaranas ka na ban a magselos o mainggit o kainggitan? Ano ang ginawa mo?

Hayaan ang iba na magkwento


5. Sinabihan ng Diyos si Hagar na bumalik kay Sarah at magpasakop sa kanya. Madalas inutusan ng Diyos ang mga tao na gumawa ng mga napakahirap na bagay. Pwede ka bang mag-isip ng mga mahihirap na bagay na ginagawa ng mga tagasunod ni Jesus?

Ang mga tagasunod ni Jesus ay inuutusang mamatay sa sarili. Ibig sabihin ay isuko ang mga sariling kagustuhan at sa halip ay mamuhay ng buhay na nagpapakita kung gaano kadakila ang Diyos. Minsan, iniiwan ng mga Kristiyano ang kanilang mga pamilya at lumilipat sa malayong lugar upang ipangaral si Jesus. Minsan, umaalis sila sa trabaho nila kapag pinapagawa sila ng mga bagay na tiwali. Tumitigil na maghabol ng kayamanan at kasikatan ang mga Kristiyano at namumuhay ng matiwasay at banal na pamumuhay. Sa ibang mga lugar, labag sa batas ang maging Kristiyano o ipangaral si Jesus. May mga taong nakukulong, kinukumpiska ang mga ari-arian, at may iba pang pinapatay pa nga. Marahil ang pinakamahirap gawin ng isang Kristiyano ay ang mahalin ang kapwa. Sinabi ni Jesus na mahalin natin kahit ang ating mga kaaway. Ibig sabihin, kapag may nag-chismis tungkol sa atin, nagnakaw sa atin, tinrato tayo nang masama, ay dapat pa rin natin silang mahalin at ipanalangin.


6. Sa kalaunan, noong si Sarah ay nanganak na ng sarili niyang anak na si Isaac, sina Hagar at Ishmael ay itinaboy muli sa disyerto. Akala ni Hagar ay mamamatay na silang mag-ina hanggang sa iniligtas sila ng Diyos muli. Anu-ano ang mga pagkakataong nakitaan mo ang mga anak mo na iningatan sila ng Diyos?

Hayaan ang iba na magkwento


7. Sinabihan ng Diyos si Hagar na ang kanyang anak ay magiging “tila isang asno.” May kwento ka ba tungkol sa iyong nagwawalang anak?

Hayaan ang iba na magkwento


8. Sinabi ni Hagar na ang Diyos ay nakakakita. Paano ito nakakapagpalakas ng loob mo?

Nakakatakot rin na ang Diyos ay nakakakita. Ibig sabihin ay nakikita tayo ng Diyos sa ating pagkakasala at kapag gumagawa tayo ng masama. Mabuti na lang at nakita ng Diyos na ang mga makasalanang tao ay hindi makakagawa ng sapat na kabutihan para makabawi sa mga masasamang bagay na ginawa natin. Isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesus upang mamuhay nang perpektong pamumuhay. Hindi Siya nawalan ng pananampalataya katulad ni Sarah o nagmalaki katulad ni Hagar. Ganumpaman, sinakripisyo ni Jesus ang Kanyang buhay at namatay Siya na tila kriminal nang sa ganun ang mga makasalanang tulad natin ay makalaya. Nakita ng Diyos Ama ang lahat ng ginawa ni Jesus at nakikinig Siya sa lahat ng mga dumadaing ng tulong. Maaaring ito na araw na dumaing ka sa Diyos at sabihin mong, “Alam ko pong ako ay makasalanan at nangangailangan ng Tagapagligtas. Iligtas po Ninyo ako sa aking kasalanan. Nais ko pong sumunod kay Jesus at mahalin ang Diyos nang buong puso, kaluluwa, isip at lakas ko.” Ang Diyos ay nakakakita at nakaririnig.

1,380 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page