top of page
Writer's pictureHannah McCurley

Hukom

Updated: Mar 27, 2019

Message Theme & Verses: Hukom


Memory Verse: Hukom 21:25 Nang panahong iyon, walang hari sa Israel, kaya ang bawat isa ay gumagawa ng kahit anong gusto nilang gawin.


Mula sa panahon ni Joshua hanggang sa panahon ni Samuel, labindalawang mga hukom ang namuno sa Israel. Sila ang mga military na tagapagtanggol sa pakikitungong pandaigdigan, tagapamahala sa hustisya sa pambansang aspeto at mga uliran sa pagsunod sa kasunduan sa aspetong relihiyon. Ang nakalulungkot ay makikita natin ang paglala ng pagiging makasalanan ng tao sa mga kwento ng mga hukom habang sila ay unti-unting nalulugmok sa pagsamba sa mga diyos-diyosan. Ang layunin ng Mga Hukom ay upang makapagbigay ng malinaw na pagkakaiba ng katapatan ng Diyos laban sa kasalanan ng tao at upang ipakita sa mga tao ang pangangailangan nila ng isang makadiyos na hari upang sila ay pamunuan.


Ang aklat ng Joshua ay nagtapos sa pangangako na sila ay tatalima sa Diyos at susunod sila sa Kanyang kautusan. Sila ay nagtagumpay sa umpisa ng kanilang pananakop sa Lupang Pangako ngunit hindi pa nila naitataboy nang lubusan ang mga tao roon. Itinalaga ng Diyos ang tribo ng Judah upang tapusin ang misyon, ngunit ang mga tao ay naging suwail agad sa kanilang sinumpaang kasunduan. Ganumpaman, tapat pa rin ang Diyos at Siya ay nagsugo ng mga hukom upang palayain ang mga Israelita mula sa kanilang mang-aapi at ibalik ang kapahingahan.


Ang tunay naman talagang plano ng Diyos ay ang bigyan ang Kanyang mga tao ng isang hari, hindi ng mandirigma na katulad ng ibang mga bansa, kundi ng isang lider na sumusunod sa kautusan. Dahil walang hari na mamumuno sa kanila, “ang lahat ay gumagawa ng mga bagay na tama ayon sa kanilang paningin.” Nakalimutan ng mga tao ang tungkol sa kabanalan at sila ay naakit sa kultura ng mga Canaanite, nangalunya sila laban sa Diyos sa pamamagitan ng pakikiapid nila sa mga huwad na diyos katulad nina Baal at Asherah.


Malayo sa pagiging perpekto ang mga hukom, pero ginamit pa rin sila ng Diyos upang ipagtanggol ang Kanyang mga tao. Ang aklat ng Mga Hukom ay koleksyon ng mga kwento ng mga bayani, nagpapakita ng paulit-ulit na siklong pagdausdos ng bayan ng Israel. Ginawa ng mga tao ang karumadumal sa mata ng Diyos. Kung kaya’t hinayaan ng Diyos na masakop at maalipin ang Kanyang mga tao ng mga tagalabas. Sa wakas ay tumawag ang mga tao para tulungan sila ng Diyos. Ang pagsusumamong ito ang nagdulot ng kaligtasan dahil sa kahabagan ng Diyos, Siya ay nagpadala ng hukom upang iligtas ang Kanyang mga tao. At sa tuwing pagkatapos mamatay ng isang hukom nagpapaulit-ulit ang eksena.

Ang aklat ng Mga Hukom ay nagbibigay ng mga tunay na kaganapan sa buhay katulad ng karahasan, pang-aabusong sexual, pagsamba sa diyos-diyosan, maling paggamit ng kapangyarihan, pamiminsala at paghihiwalay. Sa pamamagitan ng ating pagbasa nito, makakakuha tayo ng mga pananaw sa buhay at kalikasan ng tao kung nakahiwalay sa Diyos.


Makakakita tayo ng ilang mga tema sa aklat ng Mga Hukom.


  1. Ang lupain at kapahingahan ay maaaring mabawi sa mga tao dahil sa kanilang patuloy na pagsuway.

  2. Kapag sinusuway ng Israel ang kasunduan at gumawa ng masama, nagdurusa sila sa kinahihinatnan.

  3. Ang Diyos ay nanatiling tapat kahit na sinuway ng Israel ang kasunduan. Ito ay nakabatay sa kahabagan at katapatan ng Diyos at hindi sa kabutihan at pagsisisi ng mga tao.

  4. Karamihan sa mga hukom ay hindi rin matitino at mga makasalanan.

  5. Kailangan ng Israel ng makadiyos na hari.


Read Judges 3


Nararapat sanang sundin ng mga tao ng Diyos ang kasunduan at tumalima sa mga tapat na mga pinuno katulad ni Joshua. Sa Joshua, nakita natin na hinatulan ng Diyos ang mga Canaanite sa pamamagitan ng Israel at ngayon nakikita natin na hinahatulan ng Diyos ang kasalanan ng Israel sa pamamagitan ng mga masasamang bansa. Ginamit ng Diyos ang mga hukom upang itama at ingatan ang Kanyang mga tao, at turuan sila ng pangangailangan ng isang matuwid na hari. Sapagkat ang Israel ay sumuway at nakipamuhay kasama ng mga Canaanite, unti-unting nagkaroon ng impluwensiya ang relihiyon ng mga Canaanite sa Israel. Ibig sabihin, sa halip na ang Diyos lamang ang sasambahin, nagsimula silang maghalo ng mga aspeto ng pagsamba kay Baal at iba pang mga demonyong diyos-diyosan. Ang Israel ay palaging nasa ilalim ng mga banta nang mga panahong ito, mula sa ibang mga mga bansa at mula sa sarili nilang mga kasalanan. Nasa pamamagitan ng mga kwento sa Mga Hukom makikita natin kung papaanong naghari ang kaguluhan habang inaantabayanan natin ang Haring ipinangako ng Diyos.


Si Jesus sa aklat ng Mga Hukom


Habang binabasa natin ang Mga Hukom ang puso natin ay nagsisimulang magsumamo para sa isang makadiyos na lider. Ang hukom ay palala nang palala sa pagiging makasalanan at kahit na ginagamit sila ng Diyos upang iligtas ang Kanyang mga tao, alam natin na kung sila lang ay magkakaroon ng matatag at makadiyos na lider, matuturuan nito ang mga tao na sumunod sa kautusan. Nangako ang Diyos sa Deuteronomy na magsusugo Siya ng hari na magiging mapagparaya at mapagmahal sa kautusan ng Diyos. Tayo ay umuusad patungo sa panahon ng “monarchy” o pagkakaroon ng hari at matututunan natin sa susunod sa aklat ni Ruth ang background ni David, ang hari na susunod sa puso ng Diyos. Kahit na si David ay ang pinuno na Diyos mismo ang pumili, hindi pa rin siya ang Messiah kundi ang Isang magmumula sa kanyang lahi. Si Jesus, anak ni David, anak ng Diyos, ay darating at tutubusin ang Kanyang mga tao magpakailanman, mamumuno at maghahari Siyan a ang lahat ng Kanyang mga kaaway ay nasa Kanyang talampakan.


Mga Katanungan


  1. Naranasan mo na bang mapatawag o magreklamo sa barangay/hukom? Ano ang pakiramdam?

  2. Yun bang mga lider na mayroon tayo ngayon ay masasabing maka-diyos na mambabatas?

  3. Bakit sa palagay mo ginagamit ng Diyos ang mga salitang pangangalunya at pakikiapid sa tuwing kinakausap Niya ang mga tao tungkol sa pagsamba sa mga diyos-diyosan? (Ang mabibigat na mga salitang ito ay hindi lamang para makuha ang atensyon ng mga tao. Ang relasyong kasal ay napakamataimtim. Ito ang pinakamalapit na relasyong mayroon tayo. Ikinukumpara ng Bibliya ang relasyon ni Jesus sa simbahan sa isang relasyong kasal. Ginamit ni Jesus ang mga salitang ito upang ipakita ang kahalagahan ng relasyon at kalubhaan ng kasalanan. Ang Diyos dapat ang ating unang pag-ibig at ang ipagpalit Siya sa ibang mga diyos-diyosan ay parang isang asawang babaeng iniwan ang kanyang asawa upang maging isang patotot o prostitute.)

  4. Sa palagay mo ba tama o mali na gawin ng tao ang kung ano ang sa kanilang paningin ay tama?

  5. Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos at sa tao sa kwento ni Ehud?

189 views0 comments

Recent Posts

See All

Kawikaan

Comments


bottom of page