top of page
Writer's pictureDan Wright

Kasaysayan (Tagalog)

Message Theme & Verses: Historical Books


Memory Verse: 1 Samuel 7:22 Kaya't ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka't walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig.


Happy Family Lesson:

Kasaysayan ang tawag sa pagsusulat ng mga pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari naitala na. Sa ating Bibliya, mayroon tayong 12 Makasaysayang aklat: Josue, Mga Hukom, Ruth, 1&2 Samuel, 1&2 Mga Hari, 1&2 Cronica, Ezra, Nehemiah, and Esther. Ang makasaysayang bahaging ito ay pagkatapos mismo ng Pentateuch at nagsasaysay ng pagpapatuloy ng kwento ng mga mamamayan ng Diyos sa loob ng halos 1 libong taon sa anim na mga pangunahing yugto.

  1. Pamumuno ni Joshua sa mga mamamayan patungong Lupang Pangako ng Canaan pagkatapos ng kamatayan ni Moses.

  2. Ang pababang pagpapalit-palit ng mga hukom at paghakbang patungo sa pagkakaroon ng hari habang ang mga tao ay naninirahan sa Canaan.

  3. Ang paghahati ng bansa sa dalawang kaharian ng Israel at Judah at ang buhay sa mga kahariang ito.

  4. Ang pagbagsak at pagtataboy sa mga kaharian ito.

  5. Ang buhay para sa mamamayan ng Diyos noong sila ay itinaboy

  6. Ang pagbabalik ng Judah sa pagtataboy patungo sa Lupang Pangako

Bagama’t ang pinakamalaking bahagi ng kasaysayan ay nasusulat sa pasalaysay na paraan, makakakita rin tayo ng mga panitikan, salin-lahi, talaan, sulat at iba pa. Makakabasa tayo ng tungkol sa pakikipag-ugnayan Diyos sa buhay ng Kanyang mga tao sa pamamagitan ng ordinaryong paraan na kung tawagin ay Providencia ng Diyos at sa pamamagitan ng mga himala rin. Bawat isang aklat ay may kani-kaniyang istilo ng pagsulat katulad ng mga kwento ni Ruth at Esther at ang pababang pagpapalit-palit ng mga noon gang mga tao ay humakbang papalayo sa Diyos. Kahit na ang bawat aklat ay sari-sariling tema at layunin, may masusundan tayong mga tema sa lahat ng mga Makasaysayang Aklat. Matututo tayo tungkol sa mga tao ng Diyos, pamumuhay sa lugar ng Diyos, at sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Mula sa Eden hanggang sa pagbabalik ni Kristo, ito ang ibig sabihin nito.


Ang Diyos ang may control ng lahat ng bagay kasama na rito ang kalikasan at ang buhay ng mga tao at mga bansa. Ipinakilala ang Israel bilang tinatanging mga tao ng Diyos, nasa ilalim ng pamamahala, pangangalaga, at pag-iingat ng Diyos. Siyempre, ang Diyos ang may-kontrol ng lahat ng mga bansa, pero ang Israel ang may espesyal na responsibilidad upang ibigay nila sa Diyos ang kanilang tiwala at pagsunod dahil pinakitaan sila ng Diyos ng espesyal na pagmamahal. Ang Kasunduan kay Moses ay nagsasabi kung paano dapat mamuhay ang mga tao ng Diyos. Ito ay tinatawag na pagsunod sa kautusan. Kapag ang mga tao ay sumusunod sa kautusan, sila ay pinagpapala at kapag sila naman ay tumalikod sa kautusan, sila ay nagdurusa. Sa mga Makasaysayang Aklat, makikita natin ang mga hari na tumatalima sa kautusan at mayroon ding mga hindi. Kinakatawan ng hari ang katapatan o kasalanan ng mga tao.


Basahin ang 2 Samuel 7 – Ang Kasunduan ng Diyos kay David

Magpabanggit sa mga bata ng 3 bagay na nangyari sa Pentateuch.

Magpabanggit sa mga bata ng 3 bagay na sa tingin nilang mangyayari sa History Books.


Barkadang Lesson:

Pinangakuan ng Diyos si Abraham may mga hari magmumula sa kanya at pinili ng Diyos na ipatupad ang Kanyang mga kautusan sa pamamagitan ng mga taong haring ito. Inaasahan na magiging kakaiba ang mga hari ng Diyos kesa sa ibang mga hari. Sila ay mamumuno gamit ang salita ng Diyos at hahayaan ang Diyos na makipaglaban para sa Kanyang mga tao. Nakipagkasundo ang Diyos kay David at nangako na magiging Ama sa mga haring magmumula kay David na magiging anak Niya. Ang perpektong Anak ng Diyos ay si Jesus, mula sa lahi ni David. Si Jesus ay naghari bilang isang perpektong hari at ang Kanyang simbahan ay naghahayag ng Kanyang kaharian.


Sinimulan ni Jesus ang Kanyang ministeryo sa pamamagitan ng pagsasabing “ang Kaharian ng Diyos ay nalalapit na.” Ang kwento ng Bibliya ay kwento ng isang kaharian na bilang mga mananampalataya, ay nagiging kabahagi tayo. Kung tayo ay na kay Kristo, tayo ay nagiging mga anak ng hari, nararanasan natin ang kaharian nang bahagya sa ngayon, at lubusan kapag si Kristo, an gating hari ay bumalik na. Makikita natin ang paparating na hari sa lahat ng mga Makakasaysayang Aklat. Si Jesus ang mas dakilang Joshua na namumuno sa tao patungong kapahingahan. Siya rin ang mas dakilang Hukom, ang perpektong tagapagtanggol na nagligtas sa Kanyang mga taong hindi perpekto. Si Jesus ang mas dakilang Boaz, na nagbalabal sa Kanyang mga tao, tumutugon sa mga pangangailangan nila, tumubos sa kanila, binayaran ang kaukulang halaga upang masigurado ang kalalagyan sa kaharian ng Diyos. Makikita natin na si Jesus ang perpektong binatilyo mula sa Bethlehem, na sumupil sa kasalanan at kamatayan, katulad ng pagsupil ni David kay Goliath. Ipinakikita ng mga masasamang hari ng Israel at Judah ang pangangailangan natin ng isang perpektong hari na sumusunod sa kautusan, na namumuno sa katwiran ayon sa kautusan ng Diyos. Si Jesus ay kakaibang uri ng hari na nagtuturo sa atin na paglingkuran ang iba at mahalin ang kaaway. Si Jesus ay nagdadala sa Kanyang mga tao sa Kanyang kaharian hindi sa pamamagitan ng kanilang mga pagsisikap at pagpapakatino. Ang Kanyang mensahe ay magsisi at manampalataya sa Mabuting Balita. Nararapat lamang na tayo ay tumalikod sa ating mga kasalanan at manampalataya sa ating Haring Jesus na Siyang magbabalik upang magharing muli.


Barkadang Questions

1. Ano ang kauna-unahan mong gagawin kung ikaw ay magiging hari ng Pilipinas? Paano kung hari ka naman ng buong mundo?


2. Bakit sa palagay mo kailangan natin ng kasaysayan o history?


3. Ano ang pinagkaiba ng Kasaysayan ng Diyos kaysa sa mga makasaysayang aklat sa school?


4. Bakit sa palagay mo sinimulan ng Diyos ang Kanyang mamamayan mula sa isang tao sa pamilya, sa isang bansa, sa pagkakaroon ng mga hukom, sa pagkakaroon ng mga hari, sa pagkakataboy, at sa katapusan sa pagbabalik muli sa Kaharian ng Diyos? (Dahil unti-unting ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang sarili at ang Kanyang plano para sa Kanyang mga tao sa kahabaan ng kasaysayan. Bawat yugto ng kasaysayan ay nagtuturo sa atin ng tungkol sa ating sarili at tungkol sa Diyos. Nakakakita tayo ng mga anino ni Jesus, ang paparating na hari at natututo tayong mamuhay sa Kanyang kaharian.)


5. Paano tumugon si David sa Kasunduan ng Diyos sa kanya?


6. Sa lahat ng mga taong kilala mo, sino sa palagay mo ang bagay maging hari o reyna?


7. Ano sa palagay mo ang magiging itsura ng Kaharian ni Jesus? (Sinasabi ng Bibliya na ang Kaharian Niya ay magiging perpekto. Walang kamatayan ao sakit dahil nagapi na itong lahat ni Jesus. Ang mga tao ay nagmamahal sa Diyos at sa kapwa at hindi nagkakasala. Wala ng taggutom dahil tutugunan ng Diyos ang lahat ng pangangailangan nang may kasaganaan. Wala ng baha o bagyo, lindol o anumang mga sakuna dahil si Jesus ang Panginoon ng Kalikasan. Si Satanas at ang kanyang mga demonyo ay nagapi na at tayo ay mamumuhay nang may kapayapaan kasama ng Diyos kailanman.)


8. Ano sa palagay mo ang pinakamaganda sa pagiging kabahagi ng kaharian ng Diyos? (Maraming mga magagandang bagay ang inilalaan ng Kaharian ng Diyos para sa atin. Ang pinakamagandang bagay ang maging kapiling ng Hari mismo! Mai-enjoy nating makaharap ang Panginoong Jesus, ang ating Tagapaglikha at Tagapagligtas!)

138 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page