top of page
Writer's pictureHannah McCurley

Kawikaan

Message Theme & Verses: Kawikaan


Memory Verse: Kawikaan 3:5 Magtiwala ka nang buong puso sa Panginoon at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan.


Ang Kawikaan ay koleksyon ng mga matatalinong kasabihan mula sa mga iba’t ibang mga manunulat kabilang na si Haring Solomon. Sa 1 Mga Hari ay sinasabing ang matalinong hari na ito ay nagwika ng mga 3,000 na kawikaan at 1,005 mga awit. Ang mga kasabihang ito ay marahil naipon nang tuluyan sa panahon ni Ezra.


May dalawang paksa sa Kawikaan.


Karunungan ang unang paksa at ito ay ang pamumuhay sa buhay ng kasunduan sa paraang nais ng Diyos sa mundong Kanyang nilikha at isinaayos.


Ang Pagkatakot sa Diyos ang ikalawang paksa at ang ibig sabihin ay kilalanin natin ang Diyos bilang makapangyarihan sa lahat na Siyang nagtatakda ng ating kapanganakan, buhay at kamatayan. Sapagkat ang Diyos rin ay mabuti at tapat, nagtitiwala tayo at gumagalang sa Diyos at sinusunod natin ang Kanyang Salita upang maipamuhay ang mabuting pamumuhay.


Maaari nating tawagin ang Kawikaan na isang batayang aklat upang makakuha ng mga kakayahan sa sining ng makadiyos na pamumuhay. Ang isang kawikaan ay karaniwang nagpapakita ng katotohanan nito sa pamamagitan ng paghahambing at hinahayaan ang mambabasa nito na alamin kung paano niya ito maisapamumuhay.


Ang layunin ng mala-tulang Kawikaan ay upang turuan ang tayo ng Karunungan at kung paano mamuhay. May dalawang daraanan na inilatag sa mga mambabasa, ang daan ng matuwid at ang daan ng masama. Sa Kawikaan, ito ay ipnakikta bilang mga tao pinangalanang Karunungan at Kahangalan. Pipiliin mo bang sundan ang daan ng Karunungan o ng Kahangalan? Ang isa ay patungo sa buhay at ang isa ay patungo sa kapahamakan.


Habang ang Kautusan ng Diyos ay nagbibigay ng tiyak na mga utos para sa pamumuhay at ang templo at ang mga pag-aalay na sumasalamin sa gagawin ni Cristo Jesus ang siyang nagdulot sa banal nating Diyos na mamuhay kasama ang mga makasalanan, ang Kawikaan naman ay nakatuon sa pag-uugali at pagkatao ng mga tinubos ng Diyos na namumuhay sa paglikhang muli. Ipinapakita ng mga ito kung ang dapat.


Marami tayong matututunan sa Kawikaan tulad ng; paano makipag-usap ng maayos sa iba nang hindi makasasama sa loob, paano natin ikikilos ang mga sarili sa mga usaping negosyo, paano hindi maging tamad, paano maging mabuting magulang, paano maging mabuti at masunuring anak, paano maging manatiling dalisay bago ikasal, at paano makipag-ugnayan ng maayos sa Diyos at sa kapwa.


Minsan ang Kawikaan ay nagtitila magkasalungat. Halimbawa, ang sabi ng Kawikaan 26 ay huwag sagutin ang mangmang ngunit pagkatapos ay sagutin daw umano ang mangmang. Datapwat, kailangan nating malaman na ang mga kawikaang ito ay hindi mga kautusan. Tayo ay namimitas rito ng mga nauukol na kawikaan para sa bawat kalagayan natin sa buhay. Nakatutulong din na matandaan natin na ang Kawikaan ay hindi mga pangako, kundi mga pangkalahatang katotohanan upang gabayan tayo sa pagpapasya.


Para sa atin ngayon, ang Kawikan ay matalinong nagmamatyag sa kung papaanong mamuhay sa mundo ng Diyos at kung paano ipakita ang biyaya sa pagpapanumbalik ang iba’t ibang uri ng tao sa matapat na pagsasakatuparan ng Kanyang pangako sa kasunduan.


Basahin ang Kawikaan 3


Si Jesus Kawikaan


Si Jesus ang siyang sakdal na matalinong tao at perpektong guro ng karunungan. Sa 1 Corinto 1:24 sinasabing si Jesus ay “ang kapangyarihan ng Diyos at ang karunungan ng Diyos.” Higit pa, sinabi ni Paul na pinili tayo ng Diyos at “dahil sa Kanya kayo ay na kay Kristo, na naging karunungang mula sa Diyos para sa atin, katuwiran at katiwasayan at katubusan, nang sa ganon, nasusulat, ang nagmamapuri ay magmapuri sa Panginoon.”(1:30) Kay Jesus, sinabi ni Paul sa Colosas 2:3, ay “natatago lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman.” Kapag ang Kawikaan ay nagsasabi sa ating sundan ang daan ng Karunungan, sinasabi ng mga ito na sundin natin si Jesus. Hindi natin ginagawa ang mga karunungan upang mapalapit tayo kay Kristo, tayo ginagawang matalino sa pamamagitan ng pakikiisa natin sa Kanya sa pananampalataya, sa biyaya ng Diyos, at sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu.


Mga Katanungan:

  1. Ano ang pinakamatalinong kasabihan ang narinig mo na?

  2. Sino ang nagturo sa iyo upang maging matalino at gumawa ng mga mabubuting pasya?

  3. Maaari ka bang magkwento tungkol sa paggawa mo ng isang maling desisyon at ng kinahinatnan nito?

  4. Ano ang ibig sabihin ni Paul nang sabihin niyang si Jesus ay “ang katalinuhan ng Diyos?” (Sinasabi ni Paul sa atin na si Jesus ay ang sakdal na kumakatawan sa kung sino talaga ang Diyos. Makikita natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagtingin natin kay Jesus. Si Jesus ay perpektong sumunod, gumalang at lumuwalhati sa Ama. Si Jesus ay namuhay ng perpektong buhay at palaging gumawa ng tamang desisyon, kahit na ang dulot nito ay ang pagdurusa Niya. Maaari nating tingalain si Jesus bilang ating halimbawa ng karunungan. Lalo pa, ang ating pananampalataya kay Jesus bilang ating tagapagligtas ay nagpala sa atin ng panibagong buhay at binagong kaisipan. Kapag tayo ay naligtas sa biyaya, tayo ay pinamumuhayan ng Banal na Espiritu na gumagabay sa atin, patungo sa karunungan.)

  5. Sabi ng Kawiakaan 3 na ang pagdidisiplina ay mabuti at mula sa Panginoon, na nagpapakita ng Kanyang pag-ibig. Ano ang nararamdaman mo kapag ikaw ay dinidisiplina?

  6. Sa palagay mo ba ang karunungan ay higit pa sa kayamanan? Bakit?

  7. Paano sa palagay mo natin magagamit ang Kawikaan sa pagtuturo sa ating mga sarili at sa ating mga anak kung paano maging matalino?

  8. Subukan mong gumawa ng sarili mong kawikaan kasama ang isang partner.

359 views0 comments

Recent Posts

See All

Salmo

Comments


bottom of page