Kay Kristo lang, pag-asa ko
Siya’ng ilaw ko’t awit, lakas
Sandigang di matitinag
Bumagyo man ako’y ligtas
Walang tulad pag-ibig at
Kapayapaang dulot Mo
Mang-aaliw at lahat ko
Sa pag-ibig Mo ako’y buo
Kay Kristong Diyos na nanaog
Sa ‘ting mundo na isang sanggol
Namuhay nang matuwi’t banal
Nilitis na tila pusakal
Sa krus Siya’y pinarusahan
Galit ng Diyos ay naibsan
Ang atin nga’ng kasalanan
Buhay Niya ang kabayaran
Sa yungib nga’y nahimlay Siya
Inilibing liwanag Niya
Isang araw nga’y bumangon Siya
Kamatayan ay nagapi Niya
Tagumpay Niya’y paglaya ko
Alipin na ‘ko ni Kristo
Hindi na nga tagamundo
Tinubos ng Kanyang dugo
Dakilang pasalamat sa
Handog na kaligtasan Niya
Kinabukasa’y nalaan na
Dahil sa pinangako Niya
Walang makawawalay nga
Tao man o kalaban pa
Hanggang sa pagdating Niya
Kay Hesus nga ay ligtas na
Comments