top of page
Writer's pictureHannah McCurley

Mga Aklat ng Propesiya

Message Theme & Verses: Mga Aklat ng Propesiya


Memory Verse: Deuteronomio 18:18 Magpapadala ako sa kanila ng isang propeta na mula sa kanila at kadugo nila tulad mo. Ipasasabi ko sa kanya ang lahat ng gusto kong sabihin sa kanila.


Mayroong 16 na aklat sa Lumang Tipan na isinulat ng mga propeta ng Diyos. Hinati nain ito sa apat na pangunahing mga propeta at 12 iba pang propeta. Ang pagkakahati nito ay ayon sa haba ng kanilang mga propesiya at hindi ayon sa importansiya.


Ang Bibliya ay gumagamit ng tatlong katawagan sa Propeta. Ang unang dalawa ay hozeh o ‘may pangitain’ (visionary) at ro’eh o ‘ang nakakikita’ (seer). Ipnapahiwatig nito na ang mga propeta ay kayang mga makakita ng mga bagay tungkol sa kasalukuyan at kahit ang kinabukasan na hindi kayang makita ng mga tao. Kahit na ang pagbabahagi ng kalooban at plano ng Diyos sa kinabukasan ay minsang ginagawa ng mga propeta, ang pinakakaraniwang gampanin talaga ng isang propeta ay ang nabi’ na ang ibig sabihin ay ‘manawagan o magpabatid’.


Ang mga propeta ang siyang mga naghahayag ng mga mahahalagang kaalaman tungkol sa Diyos. Sila ang tagapagsalita ng Panginoon. Ang mga propeta ang siyang nagsasaysay kung papaanong dapat mamuhay ang mga tao dahil sa kanilang kasunduan sa Diyos. Ang mga propeta ay hindi mga karaniwang tagapagturo lang ng Salita ng Diyos, ito ay trabaho ng mga pari. Ang propeta ay ipinatatawag sa mga espesyal na pagkakataon na may espesyal na mensahe. Ang mga tao ay hindi nais na tumalikod sa kanilang mga kasalanan at kadalasan ang mga propeta ay kinukutya, tinataboy, inaapi o kaya ay pinapatay pa.

Ang mga aklat ng propesiya ay nagsimula pagkatapos na ang Israel ay nahati sa dalawang kaharian at nagpatuloy hanggang sa pagkakataboy nila sa ibang bansa hanggang sa pagbalik ng mga natitirang tapat na mga tao sa Jerusalem. Ang mga aklat na ito ay naglalaman ng mga kwento, pakikipag-usap sa Maykapal, tula, panaginip at pangitain. Ang Mga Propeta ay sumasang-ayon sa lahat ng iba pang aklat sa Bibliya at nakasubaybay rin sa mga ito. Sapagkat ang Diyos ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng mga propeta, lahat ng mga sinasabi nila ay totoo. Sinasabi sa Bibliya na kung ang propeta ay nagsabi ng isang bagay na hindi totoo, nararapat na batuhin siya hanggang mamatay sa pagiging bulaan.


Una, pinaaalalahanan ng mga propeta ang mga tao na ang Diyos ay nagungusap sa pamamagitan niya. Pagkatapos, pinagtitibay ng propeta na ang mga tao ng Israel ay ang pinili ng Diyos upang makipag-ugnayan sa Kanya bilang kaharian ng mga pari na inatasang maglingkod sa mga bansa. Pagkatapos, ang propeta ay mangungumpisal na ang mga tao nabigong mamuhay ayon sa pamantayan ng Diyos sa pamamagitan ng pagsamba sa diyos-diyosan at hindi tamang pagtrato sa iba. Tapos, ang propeta ay magbibigay ng babala sa mga tao tungkol sa pagdating ng Araw ng Panginoon. Ang araw na ito ng paghuhukom ay ipinropesiya ang pagkawasak ng Jerualem sa ilalim ng Babylon, ngunit ito rin ay tumutukoy sa huling Araw ng Paghuhukom kapag bumalik na si Jesus at hahatulan ang lahat ng tao sa daigdig. Ang mga babala ng mga propeta noon ay ganoon ding babala para sa mga mambabasa ngayon. Ang lunas sa paghahatol na ito ay ganoon din, magsisi at manampalataya. Ang pinakahuli ay ang pagbibigay ng mga propeta ng pangako ng pagbabago ng buong sanlibutan na dumarating pagkatapos ng paghuhukom, na pinangungunahan ng pagdating ng Tagapagligtas.


Nakalulungkot na ang mga tao ay hindi tumalima sa mga babala ng mga propeta. Nabigo silang mahalin ang Diyos at nabigo silang mahalin ang tao. Hindi nila nagampanan ang kanilang papel bilang isang bansa ng mga pari kahit na binigyan na sila ng babala ng mga propeta na magsisi sa kanilang mga kasalanan. Mabuti na lang at bukod sa pagiging parehas na Hari at Punong Pari, si Jesus ay isa ring perpektong Propeta. Siya ay bumaba sa lupa na may kaparehas na mensahe, magsisi at manampalataya sapagkat ang kaharian ng Diyos ay malapit na. Habang ang mga propeta sa Lumang Tipan ay mga mensahero lamang, si Jesus ay Diyos na nagkatawang tao at may kapangyarihang hindi lamang magbigay babala kundi magligtas rin.


Basahin ang Jeremiah 3:6-25


Si Jesus sa Mga Aklat ng Propesiya


Siyempre, si Jesus ay ang Mesias na ipinangako ng mga Propeta. Sinabi nila na pamumunuan NIya ang Israel at ang lahat ng mga bansa at magdudulot ng kapayapaan at katuwiran sa mundo. Ang paparating na Tagapagligtas ay kukunin ang Kanyang trono sa pamamagitan muna ng pagpapakahirap at pagkamatay sa pinakanakakahiyang paraan. Ngunit hindi Siya mananatili sa libingan. Ang Tagapagligtas ay babangong muli. Titipunin Niya ang Kanyang mga tao at lilinisin sila. Lilinisin Niya ang buong mundo sa kasalanan at lilikhaing muli ang mundo na hindi na masisira pa kahit kailan.


Mga Katanungan:

  1. Ano ang trabaho ng isang Propeta? (Ang mga Propeta ay tagapagsalita ng Diyos. Sinasabi ng Diyos kung ano ang dapat nilang sabihin sa tao at sila ang nagpapahayag ng Salita ng Panginoon. Kadalasan, nagbibigay ng babala ang mga Propeta tungkol sa parating ng galit ng Diyos laban sa kanilang mga kasalanan at hinihimok nila ang mga tao na magsisis. Ang mga Propeta rin ang nagsasabi tungkol sa katapatan at mga pangako ng Diyos na magsusugo ng isang Tagapagligtas upang tubusin ang Kanyang mga tao.)

  2. Bakit nagsugo ang Diyos ng mga Propeta?

  3. Ano sa palagay mo ang mga bagay na mahirap sa buhay ng mga propeta?

  4. Madalas na hindi gusto ng mga tao ang mga propeta dahil sinasabihan nila ang mga tao na tumigil sa kanilang mga kasalanan. Ano ang mararamdaman mo kung utusan ka ng Diyos na sabihan ang mga tao tungkol sa mga bagay na ayaw nilang marinig?

  5. Maaari ka bang magbigay ng mga pangalan ng ilan sa mga Propeta? Mayroon bang propeta sa Bibliya na hindi nagsulat ng aklat?

  6. Ano ang pagkakaiba ng Pangunahing Propeta sa Iba Pang Propeta?

  7. Paano nagiging kagamit-gamit ang mga aklat ng Propesiya sa panahon ngayon? (Kahit na ang mga aklat na ito ay isinulat para sa tiyak na mga mambabasa, sa tiyak na panahon upang tukuyin ang tiyak na kasalanan, maaari pa rin tayong matuto mula sa mga ito. Matututo tayo patungkol sa katangian ng Diyos at sa plano Niya sa mundo. Matututunan natin kung paanong kahit na ang mga piniling tao ay nabibigong gampanan ang kanilang papel dahil sa kasalanan. Higit sa lahat, matututo tayo na ang Diyos ay kayang gawing bago ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng pinili Niyang Tagapagligtas, si Cristo Jesus.)

  8. Ano ang palagay mo sa mga tao sa panahon ngayon na tinatawag nila ang sarili nilang propeta? Inaako ba nila na ginagampanan nila ang parehas na papel ng mga propeta sa Bibliya? (Ang regalo ng pagpo-propeta ay tila isang pansamantalang regalo ng Diyos upang tawagin ang mga tao sa pagsisisi at upang ilatag ang pundasyon ng simbahan. Sa panahon ngayon, mayroon na tayong Salita ng Diyos na sapat na upang turuan tayo ng lahat ng kailangan nating malaman upang makamit ang kaligtasan at mamuhay ng buhay Kristiyano. Dapat tayong mag-ingat sa mga nagsasabing sila ay kinausap ng Diyos at patunayan lahat mula sa Bibliya.)

  9. Ano ang pangunahing pag-asa na ibinibigay ng mga propeta sa mga tao?

321 views0 comments

Recent Posts

See All

Kawikaan

Salmo

Comments


bottom of page