top of page
Writer's pictureHannah McCurley

Mga Panaghoy

Message Theme & Verses: Mga Panaghoy


Memory Verse: Lamentations 3:22 Ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan, Iyan ang dahilan kung bakit hindi tayo lubusang nalipol.


Sa Hebreo, ang aklat ng Mga Panaghoy ay tinatawag na Ekah na ang ibig sabihin ay “Paano” dahil ito ang unang salita ng aklat at ginamit ang salitang ito sa buong aklat upang ipahayag ang kalungkutan sa pagdurusa ng Jesrusalem. Bagamat ito ay bahagi ng “panitikan” sa Bibliya ng mga Hebreo, ipininuwesto ito pagkatapos ng aklat ng Jeremiah na pinaniniwalaang may-akda nito. Pinropesiya na ni Jeremiah noong 586BC, sa aklat na ipinangalan sa kanya at ito ay nababagay na kasunod, na nagpapakita ng hapdi ng aklat mismo habang ang mga tao ng Diyos ay itinataboy sa Babylon. Ang mga tula sa aklat na ito ay malamang inaawit o idinadasal sa pananambahan upang humingi ng kapatawaran sa Diyos.


Ang mga panaghoy na katulad ng mga ito ay para sa mga lamay, nagpapahayag ng kanya-kanya at pang-komunindad rin na pagdadalamhati dahil sa isang matinding pagkawala. Ang bawat limang kabanata ng Panaghoy ay isang tula na may katangian ng isang Biblikal na panaghoy o pagapahayag ng matinding kalungkutan, dalamhati o pighati. Sa una ay may mga reklamo tungkol sa mga kalaban na hinayaan o marahil ay inaadya ng Diyos. Sumunod ay nangumpisal ang makata sa Panginoon. Ito ang nag-udyok sa makata na humiling sa Panginoon ng pagliligtas na ayon sa kung sino ang Diyos at ang Kanyang mga pangako sa Kasunduan. Sa katupusan, inihayag ng makata ang katiyakan na duminig ng Diyos, isang kapanatagan na ang poot ng Diyos ay darating sa mga kaaway, at ang Kanyang mga tao ay maliligtas.


Sa Panaghoy, makikita natin ang galit ng Diyos na dumating sa Kanyang sariling mga tao dahil sa kanilang mga kasalanan. Aklat na ito ay parang saksing nakakita mismo sa pagkawasak ng pagpupunyagi, kamatayan at pagkagutom. Ang mga tao ay hindi nakinig sa mga babala ng mga propeta at nagpatuloy sa pagkakasala at sumamba sa mga diyos-diyosan, kung kaya’t isinugo ng Diyos ang isang paganong bansa ng Babylon upang maging kasangkapan ng Kanyang pagtutuwid at pagdidisiplina. Ang Diyos ay makatarungan, ang mga propeta ay totoo, at ang mga tao ay kailangang magsisi sa kanilang mga kasalanan. Ipinahahayag pa rin ng makata ang pagkalito at pagdalamhati na baka kinakalaban nga ng Diyos ang Kanyang mga tao at nananawagan rin na sila ay ipinanumbalik ng Nag-iisa at Tunay na Diyos.


Sa pamamagitan ng pananampalataya, isinalaysay ni Jeremiah sa kanyang aklat na ang pagkakataboy ay matatapos sa pitompung taon. Ang pananampalatayang ito nakatindig sa tipan ng katapatan ng Diyos na tutuparin ang Kanyang mga pangako at hindi iiwanan ang Kanyang mga tao sa kabila ng kanilang matitinding kasalanan. Maaari naing sundan ang pagkilos ng aklat na ito mula sa pagpapakita ng pagdadalamhati at pighati upang maipanumbalik ang pag-asa at panalangin para sa pagpapanibago ng mga bagay.

Basahin ang Panaghoy 5:1-22


Si Jesus sa Mga Panaghoy


Ipinakita rin Jesus ang panaghoy Niya sa Jerusalem, katulad ni Jeremiah. Matindi ang kinahihinatnan ng hindi pagsunod ng tao sa buhay na Diyos. Ganun din, sa Kanyang pagiging tao, si Jesus habang nakabitin sa krus ay sumigaw ng, “ Diyos Ko, Diyos Ko, bakit Mo Ako pinabayaan?” Alam ni Jesus ang pakiramdam ng matinding kapighatian, kawalan at pagiging iniwan na nararamdaman natin. Sa pagkapahiya at pagbangong muli ng Jerusalem na mababasa natin sa Panaghoy, makikita rin natin ang pagkapahiya at pagkaparangal ni Jesus. Ang Diyos ay tapat sa mga makasalanan Niyang mga tao at si Jesus ay sakdal na tapat sa krus. Lahat ng mga makasalanan na lumalapit kay Jesus sa pagsisisi at pananampalataya ay maipanunumbalik muli, babaguhin, at magiging anak ng Diyos.


Mga Katanungan:

  1. May maiku-kwento ka bang pangyayari sa buhay mo tungkol sa isang gera o pagkawasak sa inyong lugar kung saan ang mga tao ay nawalan ng pag-asa?

  2. Ano ang nagbibigay pag-asa sa iyong buhay?

  3. Ano ang mayroon sa Diyos na nagpapanatili sa atin na umasa sa Kanya at pagtiwalaan ang Kanyang mga pangako?

  4. Tinawag na iyakin o basag na pusong propeta si Jeremiah. Bakit sa palagay mo napakalungkot niya?

  5. Sa Kabanata 5, anu-ano ang mga bagay ang mga nangyayari sa lungsod na nagpapakita ng pagkadismaya ng Diyos?

  6. Sa palagay mo ba nabigyang katarungan ang Diyos sa pagkasira ng Jerusalem sa pamamagitan ng hukbo ng Babylonia? (Hindi isinawalang bahala ng Diyos ang Kanyang kasunduan sa Kanyang mga tao. Ang mga tao ay nagkasala laban sa Diyos at ang mga sumpa ng kasunduan ay napasakanila. Nagtabi ang Diyos ng ilan sa Kanyang mga tapat at nilipol ang mga masasama at sumasamba sa diyos-diyosan. Ang mga tao ng Israel ay kinailangang maitaboy sa ibang bansa upang maipanumbalik sa Diyos.)

  7. Bakit tiyak at panatag si Jeremiah na kahit ang mga tao ay nagkasala, pakikinggan pa rin ng Diyos ang kanilang mga daing at ipanunumbalik sila? ( Nag-propesiya si Jeremiah na ang pagkakataboy sa Babylonia ay tatagal lamang ng 70 taon at alam niya na ipanunumabalik ng Diyos ang Kanyang mga tao. Nangako ang Diyos na magsusugo ng isang Mesiyas sa pamamagitan ng mga Hudyo na magiging Tagapagligtas ng mga bansa. Ang Diyos laging tapat sa Kanyang mga pangako.)

  8. Anong mga panalangin ng pagkukumpisal ang idadalangin mo para sa iyong sarili, sa iyong pamilya, iyong komunidad, at iyong mga bansa?

431 views0 comments

Recent Posts

See All

Kawikaan

Salmo

Comments


bottom of page