top of page
Writer's pictureHannah McCurley

Nehemias (Tagalog)

Message Theme & Verses: Nehemias


Memory Verse: Nehemias 8:8 Bumasa sila mula sa Aklat ng Kautusan ng Dios at ipinaliwanag ang kahulugan nito, para maunawaan ng mga tao.


Happy Family Lesson:


Ang Nehemiah ay karugtong ng aklat ng Ezra, isinulat para palakasin ang loob ng mga mamamayan ng Judah na kararating lang mula sa pagkakataboy at nagsisimulang-muli. Si Ezra ang pari at eskriba (guro) at si Nehemiah naman ang kakatalaga pa lamang na Gobernador ng Jerusalem na inatasang magtayong-muli ng pader ng lungsod. Si Ezra ang nangasiwa sa pagtatayong-mulit ng templo, bilang pahiwatig ng pagdepende lamang sa Diyos, kaya’t ngayon ang buhay nila ay nagsisimula nang maipanumbalik muli.


Sa parehas na aklat ng Ezra at Nehemiah, makikita natin ang ating Diyos ng tipan na binabagong-muli ang Kanyang mamamayan sa lupain. Si Ezra ang nangasiwa ng pagbabagong espiritwal ng mga tao. Si Nehemiah naman ay isang matapat na pinuno, matalino at totoo, pinili ng Diyos upang itayong-muli ang pader ng lungsod, buhaying-muli ang katarungan sa komunidad, at mangalap ng sapat na tauhan upang mapatatag ang lungsod.


Ang mga ito ay bayan pa rin naman ng Diyos, kinailangan lang na itama sila ng Diyos at itaboy muna sa ibang bansa dahil sa kanilang kasalanan. Ang Mesiyas ay magmumula pa rin sa mga mamamayang ito. Sa pagtatapos ng pagtatayo ng pader, binasa ni Ezra ang Kautusan sa mga tao, at nanawagang mamuhay sila nang may katapatan sa kasunduan. Pagkatapos, makikita natin na sa dulo ng aklat, kinailangang magpatupad ng karagdagang mga pagbabago sa patakaran sapagkat ang mga tao ay patuloy pa rin sa pagkakasala.


Kahit na siya ay isang “cupbearer” (nagsisilbi sa hari) para sa Hari noong panahon ng pagkakataboy nila, si Nehemiah ay nanaghoy para sa kanyang bayan noong marinig niya ang pagkakawasak ng Jerusalem. Agad siyang nanalangin sa Diyos at nangumpisal, nakibahagi sa kaniyang mga kababayan at sa kanilang mga kasalanan. Pinaalala niya sa Diyos ang Kanyang mga pangako at humiling na maging kabahagi sa pagliligtas ng Diyos.

Si Nehemiah ay mapagbigay at nagpatigil sa pang-aapi sa mga mahihirap. Nanindigan siya laban sa mga sumubok na hadlangan ang pagtatayo at binigyan ng sandata ang mga manggagawa upang lumaban. Hindi siya umuurong kahit na ang mga tao ay nagsasabi ng masasama tungkol sa kanya o nagtangkang patayin siya. Si Nehemiah ay hindi mapag-alinlangan at epektibong pinuno, ngunit marahil ang pagiging mapagpakumbaba niya at pananampalataya niya sa Diyos ang pinakamainam na dapat nating tularan.


Basahin ang Nehemiah 4:1-14

  • Papagtayuin ang mga bata ng isang pader gamit ang mga bagay na nakikita nila sa paligid. Ipasubok sa kanilang itayo ito gamit ang isang kamay lang. .

  • Ang mga kalaban ni Nehemiah ay nagsabi ng mga masasamang bagay tungkol sa kanya. Hayaan ang mga bata na magsabihan naman ng mga magagandang bagay tungkol sa isa’t-isa.

  • Papagtayuin ng pader ang isang grupo ng bata gamit ang paper cups samantalang ang kalabang grupo naman ay sinisira ito sa pamamagitan ng pagbato ng kinumos na papel balls.

Barkadang Lesson:


Ang Nehemiah ay isang aklat ng pag-asa. Narinig ni Nehemiah kalagayan ng kanyang mga kababayan at pinuntahan niya sila upang ipanumbalik sa dati. Sa pagtatapos ng aklat, ang pader, ang templo, ang kaparian, at ang mga handog ay naipanumbalik nang lahat. Ngunit walang punong saserdote sa Jerusalem. Nagsimulang manalangin si Nehemiah ng panalangin ng pangungumpisal, kinilala na ang makasalanang bayan ay hindi karapat-dapat ng isang banal na Diyos. Kahit pagkatapos ng panunumbalik na inihatid ni Nehemiah, ang mga tao ay patuloy pa rin sa paghihintay sa pagdating ng isang perpektong Punong Saserdote upang gawin ang pinakahuli, mabisa at ganap na paghahandog para sa kasalanan ng tao. Ang mga tao ay naghihintay sa pagdating ng Mesiyas na siyang gaganap at tutupad sa kalooban ng Diyos nang walang bahid. Naghihintay ang mga tao kay Jesus.


Mga Katanungan:

  1. Nakasali ka na ba sa pagpapatayo ng isang bagay katulad ng bahay, tindahan o tent?

  2. Ano sa palagay mo ang naramdaman ni Nehemiah nang marinig niyang winasak ang Jerusalem?

  3. Mayroon na bang isang taong sinubukan kang pigilan sa paggawa mo ng isang bagay na alam mong tama? Ano ang ginawa mo?

  4. Ano kaya ang mararamdaman mo kung kinakailangan mong humawak ng armas habang nagtatrabaho ka at ang mga tao sa paligid ay pinagtatawanan ka?

  5. Maaari nating sabihing ang mga kalaban ni Nehemiah ay mga “bully”. Nasubukan mo na bang manindigan laban sa isang bully?

  6. Anong mayroon kay Nehemiah na nagpapa-isip sa’yo patungkol kay Jesus? (Si Nehemiah ang cupbearer ng hari, naka-upo sa kanang kamay nito, katulad rin ng pamumuno ni Jesus ngayon na nasa kanang kamay ng Diyos Ama. Iniwan ni Nehemiah ang palasyo at sumama sa Kanyang mga kababayan at si Jesus naman ay iniwan ang Kanyang trono sa kalangitan upang maging tao at nakipamuhay kasama ng Kanyang mga tao. Si Jesus tumangis para sa Kanyang mga tao at nanalangin sa Diyos na maawa Siya sa Kanila. Parehas na nanawagan sina Jesus at Nehemiah sa mga tao ng Diyos na sumunod. Nanindigan si Jesus sa mga kaaway ng Diyos na lumalaban sa gawain ng Diyos. Si Jesus, katulad ni Nehemiah ay Siyang pumasok sa templo at nilinis ito, inihahatid ang mga tao ng Diyos sa bagong kasunduan bilang isang perpektong tagapamigitan. Tamanging bumaba si Nehemiah sa pader at nanatili naman si Jesus sa krus. Tinapos ni Nehemiah ang pagtatayo ng pader, at si Jesus naman habang nakabitin sa krus ay nagwikang “natapos na,” nagpapahiwatig na natapos na niya ang gawaing pagliligtas at pagpapanumbalik na iniatang sa Kanya ng Diyos Ama.)

  7. Ano sa palagay mo ang mas mahalaga, pagtatayong-muli ng pader o pagtatayong-muli ng templo? Alin sa dalawa ang uunahin mong itayo?

  8. Ang sabi sa ating verse ay nagtalaga si Ezra ng mga guro upang tulungan ang mga tao na maunawaan ang Salita ng Diyos. Sa palagay mo kailangan pa rin natin ng mga guro hanggang ngayon? Paano sila nakakatulong? (Ang lahat ng mga Kristiyano ay puspos ng Banal na Espiritu. Kinasihan ng Banal na Espiritu ang pagkakasulat ng Bibliya at kaya Niyang ipaliwanag ang Bibliya sa mga mananampalataya upang tumimo ito sa ating mga puso. Ganunpaman, sinabi rin ng Diyos na ang mga tagapagturo ay handog para sa simbahan. Napaka-palad natin sapagkat may mga tagapagturo tayong kasama natin ngayon at nakikinabang rintayo sa mga kasulatan ng mga tagapagturo mula sa nakaraan. Nakatutulong ang mga guro sa pag-aaral at pagkatuto natin sa Bibliya.)

  9. Magkwento ka tungkol sa pinakamagaling na teaacher na nagkaroon ka.

  10. Ano ang pinakagusto mo kay Nehemiah? Paano ka magiging katulad niya?

2,886 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page