O bukal ng Pagpapala
Puso ko'y ituon Mo
Awa Mo'y walang hangganan
Purihin ang pangalan Mo
Turuan Mo 'kong umawit
Makalangit ang sambit
Itatanghal ko'ng kaligtasa’y
Dulot ng 'Yong pag-ibig
Narito ang ‘sang bantayog
Nitong pagliligtas Mo
At sa Iyong kabutihan
Langit inihandog Mo
No’ng ako'y makasalanan pa
Si Jesus nagpabitay
Siya rin ay muling nabuhay
Nang 'di na 'ko mamatay
Balang-araw nga'y wala nang
Kasalanan at tukso
Daramtan Mo 'ko ng lino
Nilinis ng 'Yong dugo
Oh Jesus, hinihintay ko
Muli Mong pagbabalik
Dalhin Mo sa 'Yong tahanan
W’Lang hanggan diyan sa langit
Utang ko sa’Yong biyaya
Ang lahat sa buhay ko
Inuudyok ng ‘Yong pag-ibig
Na magpa-'lipin sa ‘Yo
Madalas man 'kong naliligaw
Madalas mang madarang
Tinitiyak ng Salita mong
Tah'nan Mo’ng uwian ko
Comments