40 Moms 40 Weeks – Our identity is secure in Jesus.
Ina: Rachel
Mga Anak: Joseph, Benjamin, (Dan & Naphtali sa pamamagitan ni Bilhah)
Gospel Connection:
Hindi natin mapag-iipunan ang pag-ibig ng Diyos.
Ice Breaker Question
Anong ugali na mayroon ka ang hiling mo na sana’y mayroon din ang anak mo?
Bible Reading: Genesis 30:1-8; 22-24
Buod ng Kwento
Tinaguriang ina ng Israel si Rachel, ngunit hindi ito ang palagi niyang nararamdaman. Siya ay umibig, ngunit ang Kanyang ama ay nilinlang si Jacob kung kaya’t napakasalan nito sa halip ang kayang ate. Ngayon, siya ay nalagay sa isang walang humpay na pakikipagpaligsahan kay Leah dahil parehas silang may gustong patunayan sa isa’t-isa. Nagsimulang manganak si Leah at naisip ni Rachel na baka mas mahalin ni Jacob ang kanyang ate dahil dito. Akala ni Rachel ay walang kwenta siya kung hindi siya magkaka-anak. Handang siyang ipagpalit ang lahat maka-ipon lamang ng sapat na dahilan upang mahalin siya ng asawa rin niyang si Jacob. Hindi man lamang niya naisip na siya ay mahal na talaga ni Jacob noon pa. Sa katunayan, minahal at pinili siya ng Diyos upang maging ina ni Joseph na siyang magliligtas sa Kanyang mga tao mula sa taggutom at pagkalipol. Katulad ng marami, ang pagkakamali ni Rachel ay ang pagkuha niya ng kanyang halaga sa paghahambing niya ng sarili niya sa iba. Bawat isa sa atin ay nilikha sa wangis ng Diyos at tayo ay may halaga dahil tayo ay tao. Kung tayo ay may pananampalataya kay Jesus, ang ating halaga at pagkakakilanlan ay matatagpuan natin sa Kanya at hindi tayo kailangan pang mahiya o makaramdam ng kawalan ng halaga.
Question led Discussion
1. Para sa iyo, ano ang isang mabuting asawa o ina?
Magbigay ng pagkakataon para makapag-usap-usap
2. Ano naman para sa iyo ang isang mabuting asawang lalake o ama?
Magbigay ng pagkakataon para makapag-usap-usap
3. Ano sa palagay mo ang naramdaman ni Rachel nang malaman niyang nilinlang ng kanyang ama si Jacob para mapakasalan ang kanyang ateng si Leah?
Magbigay ng pagkakataon para makapag-usap-usap
4. Maaari ka bang magkwento tungkol sa panahon sa buhay na nakikipagpaligsahan ka sa isang tao?
Magbigay ng pagkakataon para makapag-usap-usap
5. Sa labis na kagustuhan ni Rachel na magkaroon ng anak ay pinasiping niya ang kanyang alipin sa kanyang asawa. Ano sa palagay mo ang idinulot na problema nito?
Magbigay ng pagkakataon para makapag-usap-usap
6. Ano ang mga ginagawa mo upang maipakita ang pagmamahal mo sa iyong asawa?
Magbigay ng pagkakataon para makapag-usap-usap
7. Ano sa palagay mo ang pinakamagandang paraan para mas lalo kang mahalin ng Diyos?
Mahal ng Diyos ang Kanyang mga anak dahil mga sila ay Kanyang mga anak. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang kondisyon, kundi nakabatay lamang sa Kanyang pagka-Diyos. Ang Diyos ay pag-ibig. Kung tayo ay anak ng Diyos sa pananampalataya kay Jesus, hindi natin kailangang matakot na mababawasan pa ang pag-ibig ng Diyos sa atin. Tayo ay inibig ng Diyos ng perpektong pag-ibig. Hindi natin kayang mapag-ipunan ang pag-ibig ng Diyos, ito ay nasigurado ni Jesus.
8. Sapat na ba ang pag-ibig ng Diyos upang makuntento tayo sa buhay?
Itinuturo sa atin Bibliya na ang pagiging kuntento sa buhay ay nakadepende sa pagkakaroon ng relasyon sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus. Sinabi ni Jesus na Siya naparito sa mundo upang tayo ay mabigyan ng buhay at magkaroon tayo nito nang masagana. (John 10:10) Tayo ay nilikha upang mamuhay para kay Kristo at makuntento sa Kanya. Ang mundo at kahit ang mga puso ay tinutukso tayo at sinasabing kailangan pa natin ng mas marami pa, hanggang sa mapuno tayo ng Banal na Espiritu. Ang pagkilala natin sa Diyos at sa Kanyang katapatan ang siyang nagbibigay daan upang mailagak natin sa Kanya ang lahat ng ating mga alalahanin at makuntento tayo sa buhay.
Comments