top of page
Writer's pictureDan Wright

Rebekah (Tagalog)

40 Moms 40 Weeks – Pinipili ng Diyos ang hindi natin inaakala at ginagamit kahit ang ating mga kasalanan.


Ina:Rebekah


Mga: Jacob, Esau


Gospel Connection:

Hindi natin mapipigilan ang plano ng Diyos. Kahit ang ating mga kasalanan ay kayang Niyang gamitin upang ipahayag ang Kanyang kaluwalhatian at kaligtasan ng Kanyang mga tao.


Ice Breaker Question

Nagkaroon ka na ba napakagandang ideya, pero hindi naging maganda ang kinalabasan?


Bible Reading: Genesis 27:1-13


Summary

Mas pinaboran ni Isaac ang mas makisig na si Esau, samantalang si Rebekah naman ay nagpakita ng pagkagiliw sa mapag-isip na si Jacob. Noong dumating na ang oras para ibigay ni Isaac ang kanyang pagpapala, tinuruan ni Rebekah si Jacob kung paano isahan ang malapit nang mamatay na ama. Alam ni Rebekah na nangako ang Diyos na ang pagpapala ay para sa nakababatang anak, ngunit hindi siya nagtiwala na kayang papangyarihin ito ng Diyos kaya gumawa na siya ng sariling niyang paraan. Pagkatapos ng kanyang kasinungalingan, ang anak na kanyang kinagigiliwan ay kinailangan ngayong lumayo dahil sa takot na papatayin siya ng kanyang kapatid na si Esau. Ginamit ng Diyos ang pagkakataong ito upang makahanap si Jacob ng asawa at mapalago ang kanyang mga tao sa isang malaking pamilya. Mabuti na kausapin natin ang asawa natin patungkol sa kung paano palalakihin ang ating mga anak. Kailangan din nating magtiwala sa Diyos na alam Niya ang pinakamabuti at maaari tayong manampalataya sa Kanya na gagawin Niya ang tama.


Question led Discussion

1. Si Jacob at si Esau ay kambal, ano sa palagay niyo ang mahirap sa pagpapalaki ng kambal ng mga bata?

Give opportunity for discussion


2. Ano ang nararamdaman mo kapag nag-aaway-away ang mga anak mo?

Give opportunity for discussion


3. Paano naging mabuting ina si Rebekah? Paano naman siya naging masamang ina?

Mahal ni Rebekah ang mga anak niya at mahal rin niya ang Diyos. Alam niya na ang pinili ng Diyos upang maging pinuno ng bayan ng Diyos ay si Jacob at gusto niyang siguruhing mangyayari ito. Gusto ng Diyos na ang dalawa niyang anak ay makapag-asawa ng babaeng nagmamahal rin sa Diyos. Kaya lang, hindi nagtiwala si Rebekah na magagawa ng Diyos ang Kanyang plano. Akala niya ay kailangan ng Diyos ng tulong niya at tinuruan niya ang kanyang anak para gawin ito. Tayo ay malaking impluwensiya sa buhay ng ating mga anak at dapat na maging maingat sa pagtuturo sa kanila ng mabuti at hindi masama sa pamamagitan ng ating mga salita at gawa.


4. Magkasundo ba kayo ng asawa mo sa pagpapalaki ng inyong mga anak? Saan kayo hindi nagkakasundo?

Give opportunity for discussion


5. Bakit sa palagay mo hinahayaan tayo ng Diyos na gumawa ng masama gaya ng pagsisinungaling at makasakit ng ibang tao?

Ang lahat ng kaparaanan ng Diyos ay perpekto kaya’t siguradong may dahilan siya sa mga kasamaang hinahayaan Niyang mangyari sa mundo. Kapag niligtas tayo ng Diyos at nagsisi sa ating mga kasalanan at magtiwala kay Jesus, hindi tayo agad-agad nagiging perpekto. Tayo ay inilalagay ng Diyos sa prosesong tinatawag na “pagbabanal” kung saan ginagawa Niya tayong katulad ni Jesus na siyang perpekto. Kaya tayo ay mapalad na nakilala natin ang Diyos bilang perpektong tagapaglikha at perpektong tagapagpatawad. Ginagamit ng Diyos ang kasalanan sa buhay natin upang turuan tayo ng leksiyon, palaguin tayo, at ipakita sa atin na tayo ay hindi perpekto o banal katulad ng Diyos. Pinananatili tayo nitong mababa at inuudyok tayong sumamba sa Kanya. Siyempre, kailangan nating labanan ang tukso at iwasan ang kasalanan, pero tandaan ginagamit rin ng Diyos kahit ang mga masasamang pangyayari para sa Kanyang kaluwalhatian at sa kabutihan ng mga umiibig sa Kanya.


6. Ang huling kahilingan ni Isaac ay isang masarap na pagkain. Ano ang paboritong pagkain ng asawa mon a kayang mong gawin?

Give opportunity for discussion


7. Noong sinabi ni Jacob kay Rebekah na natatakot siyang baka isumpa siya ni Isaac sa halip na pagpalain, sinabi ni Rebekah na “Hayaan mong mapunta sa akin ang sumpa sa iyo, anak ko.” Ano ang mga bagay na nakikita mong isinasakripisyo ng mga nanay para sa kanilang mga anak?

Give opportunity for discussion


8. Siyempre, ang pinaka-dakilang sakripisyo ay ginawa ni Jesus para sa mga makasalanan. Paanong ang sakripisyo ni Jesus ay makakatulong sa atin upang mas lalo nating mahalin ang ating pamilya?

Kahit na si Jesus ay Diyos at kaya naming manatili na lang sa langit magpakailanman at sambahin ng mga anghel, mas pinili Niya pa ring bumaba sa lupa at maging tao upang makipamuhay kasama natin. Ito ay isang kahanga-hangang sakripisyo. Pero, Siya ay namuhay nang perpektong pamumuhay at handing mamatay nang karumal-dumal na kamatayan sa krus upang alisin ang kasalanan ng lahat ng mga nagsisampalataya sa Kanya. Ibinigay ni Jesus ang lahat Niyang kabutihan at kinuha Niya ang lahat ng ating kasamaan. Hindi natin kayang alisin ang kasamaan ng ating pamilya, tanging si Jesus lang ang makagagawa nito. Maaari natin silang turuang mahalin si Jesus at maaari natin silang mahalin kahit na sila ay gumagawa ng masama.

1,263 views0 comments

Recent Posts

See All

Comentarios


bottom of page