Message Theme & Verses: Salmo (Mga Awit)
Memory Verse: Salmo 34:8 Subukan ninyo at inyong makikita, kung gaano kabuti ang Panginoon. Napakapalad ng taong naghahanap ng kaligtasan sa kanya!
Ang Mga Salmo ay koleksiyon ng 150 mga papuri para sa Diyos na isinulat mahigit 1,000 taon ng katapatan ng Diyos. Bagaman karamihan sa mga Salmo ay isinulat ni David, may mga ilang manunulat rin tulad ni Moses at Solomon ang nag-ambag sa mga awit na ito na nagsasabuhay ng lahat ng damdamin ng tao mula sa panaghoy at pagdurusa hanggang sa pagpupuri at luwalhati.
Ang Mga Salmo ay isinulat ng mga indibidwal bilang tugon sa mga pangyayari sa buhay, ngunit kalaunan ay ginamit na rin sa sama-samang pagsamba ng mga tao ng Diyos simula nang matipon at maihanay nila ang mga ito sa limang aklat. Ang Mga Salmo ay ginagamit upang ipahayag ang mga damdamin ng mga tao ng Diyos habang sila ay nakiki-ugnay sa Kanya at sa buhay dito sa makasalanang sanlibutan. Ang Mga Awit ay naghuhubog rin ng ating mga damdamin kapag inawit ng may pananampalataya at nagtuturo rin sa atin na magtiwala sa Diyos sa kabila ng mga paghihirap.
Ang Mga Salmo ay mga kanta at tula na hindi dapat basahin tulad ng pagbabasa natin sa ibang mga aklat sa Bibliya. Madalas itong gumagamit ng mga paghahambing sa mga bagay-bagay o kaya ay malabis na pananalita at ito ay humuhugot mula sa nararamdaman, sa pighati hanggang sa kagalakan. Isa pa, hindi tulad ng ibang mga aklat sa Bibliya, maaari rin nating tingnan ang Mga Salmo bilang nakabukod na komposisyon at maaari nating isapamuhay ang nararamdaman ng sumulat sa ating mga buhay.
Sa loob ng limang aklat ng Mga Salmo ay may maraming uri ng Salmo tulad ng Panaghoy, Papuri, Pasasalamat, Karunungan, Maharlikang Awitin, Awiting ng pagdiriwang sa Kautusan, Awitin ng Pagtitiwala sa Diyos sa kabila ng paghihirap, at maging Awitin ng Propesiya.
Ang Salmo 1 ay panimula sa Mga Salmoat nagtuturo sa atin na may dalawang uri ng tao, ang masama na itinatakwil ang Diyos at ang matuwid na nagmamahal sa Kanyang kautusan. Ang Salmo 2 naman ay nagpapaalala sa atin ng mga pangako ng Diyos sa Kanyang mga tao at nagbibigay sa atin ng pag-asa sa pagdating ng Haring mula kay David, si Jesus, ang Mesiyas na maghahari sa lahat. Ang Salmo 119 ay ang pinakamahabang Salmo at pinakamahabang kabanata rin sa buong Bibliya. Ito ay isang Hebrew acrostic na tula na may 176 na talata na nahahati sa 22 na stanza kung saan ang bawat talata ay nagsisimula sa tig-iisang titik ng alpabeto ng Hebrew. Ipinagdiwang ng Salmong ito ang Kautusan ng Diyos at tinulungan ang mga tao ng Diyos na pagtibayin ang paghanga sa Kanyang Salita na sila ay magtitiyaga at mananalangin upang mahubog nito ang kanilang mga pagkatao at pag-uugali.
Ang Mga Salmo ay ang songbook nina Jesus at songbook rin natin ngayon. Karamihan sa mga paborito nating mga verse ay naggaling mga awit na ito at maaari rin natin itong awitin sa papuri nang mapalakas ang ating mga loob ng mga pangako kahit sa panahon natin ngayon.
Basahin Salmo 2
Si Jesus sa Mga Salmo
Matapos ang Kanyang pagkabuhay-muli, sinabihan ni Jesus ang Kanyang mga alagad “ang ng nasusulat tungkol sa akin sa mga Kautusan ni Moses at mga Propeta at mga Salmo ay kinakailangang matupad.” Ang Salmo 23 na marahil ang pinakakilalang Salmo ay tumutukoy kay Jesus na Mabuting Pastol na nagbigay ng Kanyang buhay para sa Kanyang mga tupa. Inaawit ito ni Jesus sa atin, ngunit Siya rin ang inaawitan natin dito. Umaawit tayo patungkol sa pagdurusa at pagluwalhati ni Kristo at patuloy na umaasa sa Kanyang pagbabalik. Si Jesus ay ang pinaka-dakilang Anak ni David, ang Mesiyas na nababasa natin sa Mga Salmo.
Mga Katanungan:
Ano ang paborito mong kanta? Ano ang nagustuhan mo dito?
Bakit sa plagay mo gusto ng tao ang mga tugtog at pagkanta?
Halos isangkatlong bahagi ng mga Salmo ay binubuo ng Mga Salmo ng Panaghoy. Ano ang ibig sabihin ng Panaghoy? (Ang pagtaghoy ay ang pagpapakita ng matinding pagsisisi, pamimighati o kalungkutan. Maaari tayong managhoy sa pamamagitan ng salita o kilos. Nananaghoy tayo sa panalangin kapag ang puso natin ay nadurog at ang Mga Salmo naghahayag ng mga malalalim na damdamin sa mga napakalungkot na panahon. Sa ating panaghoy, dapat tayong lumingon sa Diyos, ang tanging makatutulong at makapagpapalakas ng ating loob. Sinasabi ng Bibliya na dapat tayong managhoy sa ating mga kasalanan at magsisi. Kung hindi tayo mananaghoy sa ating mga kasalanan, hindi natin nauunawaan kung gaano kasama ang kasalanan at kung ano ang kakayahan niong makapagwasak. Kung hindi natin nauunawaan ang lalim ng ating kasalanan, hindi natin makikita ang kahalagahan at ganda ng biyaya ng Diyos sa pagsugo Niya kay Jesus na Tagapagligtas natin.)
Basahin ang Salmo 2:4-5. Ano raw ang tingin ng Diyos sa mga nagrerebelde sa Kanya? (Ang Diyos ay hindi nalulumbay o natatakot na ang mga tao ay nagrerebelde sa Kanya at hindi tayo dapat magulat dito. Ang Diyos ay makapangyarihan at ang Kanyang tagumpay ay ganap na dahil nagapi na ni Jesus si Satanas, sa kamatayan sa krus. Nakaupo ang Diyos sa langit at tinatawanan na lang ang mga rebelde, pinaaalalahanan tayo na ang Kanyang mga plano na maluklok si Jesus sa Kanyang trono ay magtatagumpay katulad Kanyang ipinangako.)
Mayron ka bang paboritong Salmo na maaari mong ibahagi sa amin?
Anong itinuturo ng Salmo 2:12 sa atin tungkol kay Jesus? (Si Jesus ay ang ipinangakong Anak na paglilingkuran at sasambahin ng lahat ng mga hari mundong ito. Si Jesus ay ang matuwid na hukom ng buong mundo at Siya ay babalik muli upang hatulan ang mga rebeldeng masasama. Ang tanging pag-asa na mayroon ang mga rebelde, sila man ang pinakamahirap, o pinakamayamang hari, ay ang lumuhod kay Jesus at makasumpong ng kaligtasan mula sa galit ng Diyos sa Kanyang awa at biyaya.)
Kung ikaw ay magsusulat ng isang Salmo sa Diyos tungkol sa isang pangyayari sa iyong buhay, anong uri ng Salmo kaya ito? Bakit?
Comments