top of page
Writer's pictureHannah McCurley

Song of Songs (Tagalog)

Message Theme & Verses: Song of Songs


Memory Verse: Song of Songs 6:3 Ako’y sa aking mahal, at ang mahal ko naman ay sa akin lang.


Happy Family Lesson:


Bilang ipinasinaya kay Haring Solomon, iminumungkahi ng pamagat ng aklat na ito na ito ang pinakadakilang awit sa lahat ng mga awit. Ang napakagandang tulang ito tungkol sa pag-ibig ay sinusubaybayan ang isang pastol at isang babaeng pastol sa kanilang paglalakbay patungo sa buhay mag-asawa at pagiging iisang katawan sa harap ng ating Diyos ng Tipan.


Ang magkasintahan ay alisto sa pagbibigay-puri at pagpapalakas ng loob sa isa’t isa, sagana sila sa pagpuri at paghahambing sa isa’t isa sa mga mabubuting bagay na tulad nila. Inihahambing ng lalake ang kanyang kasintahan sa isang bulaklak ng lirio sa gitna ng mga dawagan. Para sa lalake siya isang napakagandang bulaklak na halos ang iba ay nagmukha na lamang mga bagay na patapon. Maaaring tularan ng mga mag-asawa ang ganitong halimbawa at linangin ang pagmamahalang pandalawahan lamang, na tinitingnan ang mga pinakamagagandang katangian ng isa’t isa. Ang mga mata ko’y para sa iyo lamang.


Ang pag-ibig na ito ay dalisay at tinubos ng Diyos, pinaaalalahanan tayo ng Kaanyang pag-ibig sa hardin na iniadya ng Diyos, bago pa man ito madungisan ng kasalanan.


Sa mga nakalipas na panahon, may ilang mga naghangad na basahin ang aklat na ito bilang isang paglalarawan o simbolo lamang, at isinawalang halaga ang aspeto ng pisikal na pagmamahalan. Tinuturo ng Bibliya na tayo ay buo, kapwa espirituwal at pisikal at hindi natin ikinahihiya kung ano man ang nilikha ng Diyos at tinawag Niyang mabuti.


Makakakita tayo ng mga larawan sa Awit ng mga Awit na tumuturo pag-ibig ng Diyos para sa Kanyang mga tao at lalo na, sa pag-ibig ni Kristo at ng Kanyang iglesia. Dinisenyo ng Diyos ang pag-ibig sa pagitan ng mag-asawang lalake at babae upang isalamin ang Kanyang relasyon sa atin.


Isang tungkulin ng panitikan pang-karunungan ay ang gawing kaaya-aya ang landas ng Diyos upang sundan ng mga tao. Iginuhit ni Solomon ang larawan ng isang ulirang magkasintahan na sumusunod sa kasunduan at kautusan ng Diyos at pagpapakaligaya sa mundo at sa mga relasyong nilikha Niya para sa kanila. Dapat nating parangalan ang Diyos sa ating mga relasyon at ipakita sa mundo na ang pamumuhay ng pagsunod sa Diyos ang siyang nagbibigay ng wagas na kaligayahan. Maaari nating ipakita ang pag-ibig ni Jesus at ng Kanyang asawang babae, ang simbahan, sa pamamagitan ng paggalang at pagmamahal sa ating mga asawa nang may pagsasakripisyo at pagpapanatili sa ating sekswal na pamumuhay nang dalisay.


Basahin ang Awit ng mga Awit 1:1-17

  • Gumawa ng korona at isulat ang mga magagandang bagay tungkol sa sarili.

  • Sumulat ng isang tula para sa mga magulang o taong mahal.

  • Manalangin ang mga bata para sa pagsasama ng kanilang mga magulang.


Barkadang Lesson:


Nadungisan ng kasalanan ang lahat ng aspeto ng buhay ng tao kasama na rito ang mga matatalik na relasyon. Ang Awit ng mga Awit ay nagpapahangad sa atin na itama ni Jesus ang mga bagay at ipanumbalik NIya ang lahat ng aspeto ng buhay sa maayos nitong makadiyos na kalalagayan. Kahit ang mga pinakamagandang buhay mag-asawa ay may halong kasalanan at kabiguan. Tanging si Jesus ang perpektong asawang lalake na ginagawang perpekto ang Kanyang mapapangasawang babae. Tanging si Jesus ang makapapawi ng ating pagka-uhaw sa lambingan sapagkat Siya ang tubig na buhay. Hindi natin dapat hanapin sa ang ating asawa ang ganap na kaligayahan, kundi dapat nating piliting abutin ang romantikong pag-ibig bilang isang regalo mula sa Diyos, kahit na ang landas ay puno ng kapaitan.


Mga Katanungan:

  1. Maaari mo bang ibahagi ang paborito mong love song? Bakit mo ito nagustuhan?

  2. Ano ang pinakamagandang bagay na nasabi na sa iyo ng Nanay at Tatay mo? Ano naman magandang bagay na nasabi mo sa kanila?

  3. Anong klaseng asawa ang hahanapin mo balang araw?

  4. Ano pa ang ibang mga bagay na karapat-dapat lang habulin o ipagsapalaran kahit na ito ay mahirap o puno ng pasakit?

  5. Anong mga bagay ang mahilig gawin ng mga magulang mo?

  6. Ano ang mga bagay na gustong ginagawa sa mga taong mahal mo?

  7. Paanong ang relasyong mag-asawa ay katulad ng relasyon natin sa Diyos? (Nilikha ng Diyos ang buhay mag-asawa para may makakasama, para sa emosyonal, espirituwal at pisikal na kalusugan ng mga tao, para sa paggawa at pagpapalaki ng mga bata, at marahil ang pinakamahalaga sa lahat para ipakita ang pag-ibig sa pagitan ni Jesus at ng Kanyang simbahan. Ito ang pinakamatalik na relasyon na nabuo sa pag-ibig at pagsasakripisyo. Kapag nirerespeto, minamahal at dumidepende ang asawang babae sa kanyang asawang lalake, inilalarawan niya ang pagiging simbahan na inihanda para kay Jesus. Kapag ang asawang lalake naman ay minamahal nang may pagsasakripisyo at inuuna ang kapakanan ng kanyang asawang babae, siya ay nagiging tulad ni Jesus sa mata ng mga tao mundo. Mabibigyang karangalan natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapanatiling dalisay at mapagmahal ng ating buhay mag-asawa.)

243 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page