40 Moms 40 Weeks – Ang Diyos ay nagpaparangal sa mga taong ipinapahiya.
Ina: Tamar
Mga Anak: Perez, Zerah
Gospel Connection:
Ibinubunyag at ipinahihiya ng Diyos ang masasama, ikinararangal naman ang matuwid, at ipinagtatanggol ang mahihina.
Ice Breaker Question
Bakit maganda na may anak na lalake? Ano ang magagawa ng isang anak na lalake para sa iyo?
Pagbasa sa Bibliya: Genesis 38:1-30
Buod
Ang kwento ni Tamar ay saglit na pumutol sa kwento ni Joseph sa Egipto at nagbigay sa atin ng paglalarawan kay Judah, ang ama ni Perez at ninuno ni Haring David at Haring Jesus. Sa susunod na chapter, si Joseph ay ipinakita na si Joseph ay dalisay at tapat na lalake, ngunit sa kwentong ito, ang kuya ni Joseph na si Judah ay makasarili at malupit kay Tamar. Ang kwento ni Tamar ay nagpapakita kung gaano nalalapastangan at ka-sama ang turin sa mga babae, ngunit nagpapakita rin kung paanong ginagamit ng Diyos ang kahirapan upang pagpalain tayo at maisakatuparan ang Kanyang plano. Kung walang asawa o anak na lalake, walang magtatanggol at kakalinga kay Tamar. Si Judah ay makasarili, ipinagkait kay Tamar ang pagtatanggol na kailangan ng isang babae at ginamit rin niya siya para sa sariling kalayawan. ‘Di naglaon, si Judah ay nasumpungang isang ipokrito, ipinag-utos na sunuging buhay si Tamar sa pagiging buntis bago pa man ito ikasal, kahit na si Judah mismo ay sumisiping sa babaeng bayarin. Ibinunyag ng Diyos ang katotohanan, inalis ang kahihiyan ni Tamar, at ipinakita na higit na matuwid siya kaysa kay Judah. Ito ang simula ng pagsisisi at pananampalataya ni Judah at si Tamar ay naisali sa talaan ng lahi ni Jesus.
Mga Katanungan para sa Pag-uusap
1. Madalas isinasama ng Diyos ang mga mararahas at hindi magandang kwento sa Bibliya. Sa palagay mo ba nakatutulong ang mga ganitong kwento sa ating buhay?
Magbigay ng pagkakataon sa pag-uusap
2. Sa kanilang kultura, tila hindi kalabisan na si Judah ay sumisiping sa babaeng bayaran, ngunit isang kahihiyan para kay Tamar ang mabuntis nang hindi pa ikinakasal. Nakapapansin ka rin ba ng hindi patas na turin sa mga babae at lalake sa kultura natin ngayon?
Maaaring may magkaka-ibang pamantayan sa ating kultura at ito ay hindi patas. Siyempre, hindi solusyon ang ibaba ang pamantayan para sa mga babae, ngunit taasan naman ang pamantayan ng mga lalake sa harap ng Diyos. Ang pamantayan ng Diyos ay patas para sa lahat. Ang pagtatalik sa labas ng kasunduan ng kasal sapagkat ito ay nakasisira sa taong gumagawa nito. Nais ng Diyos na malasap natin ang magandang pakikipagtalik sa ating asawa at makapagluwal ng mga supling. Alam Niyang may kapahamakan ang sumiping sa iba’t-ibang katalik kasama na rito mga nakahahawang sakit at sakit sa kalooban. Dapat nating ikarangal ang Diyos sa pamamagitan ng pakikipagtalik sa ating asawa lamang.
3. Naghintay ng matagal si Tamar na mahanapan siya ni Judah ng mapapangasawa. Kailan ka huling naghintay nang napakatagal para isang bagay na kailangan mo?
Magbigay ng pagkakataon sa pag-uusap
4. Sa palagay mo ba marurupok pa rin ang mga babae sa panahon ngayon? Paano makatutulong ang ibang mga babae, mga lalake sa ating buhay at ang simbahan sa pangangalaga at pagtatanggol sa ibang mga babae?
Magbigay ng pagkakataon sa pag-uusap
5. Naging makasarili si Onan at ayaw niyang bigyan ng anak si Tamar. Pinaslang ng Diyos si Onan sa kanyang pagka-makasarili. Paano mo dinidisiplina ang anak mo kapag siya ay nagiging makasarili?
Magbigay ng pagkakataon sa pag-uusap
6. Ang anak ni Tamar na si Perez ay nagdulot sa kanya ng isang uri ng kaligtasan dahil ngayon kinakailangang pangalagaan na siya ni Judah. Si Jesus ay maaari ring tawaging Anak ni Tamar. Paanong kakaiba ang pagliligtas ni Jesus?
Ang pagkakaroon ng anak na lalake ay nagdulot kay Tamar ng proteksiyon at kalinga sa kanyang buhay sa mundo at ito ay mabuti. Subalit, siya pa rin ay tatanda at mamamatay. Siya pa rin ay makakaranas ng karamdaman, sakit at dusa. Siya pa rin magugutom at malulungkot. Higit sa lahat, siya pa rin ay isang makasalanan at ang poot ng Diyos ay naghihintay sa kanya sa kanyang kamatayan. Si Jesus ay ang sakdal na Tagapagligtas na nagbibigay sa atin ng perpekto, walang pait na buhay na walang hanggan. Higit lalo, ang buhay na walang hanggan na ito ay dahil sa Kanyang pagsunod at sakripisyo ay nagparam ng galit ng Diyos at ginawa tayong anak ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya at pagsisisi.
7. Paano tayo magpapakita ng kabutihan sa mga batang babaeng nabuntis at hindi pa kasal ngunit maipakita pa rin sa kanila ang tunay na plano ng Diyos tungkol sa pagtatalik at kasal?
Magbigay ng pagkakataon sa pag-uusap
8. Si Tamar ay nagkaroon ng mahirap na buhay. Namatayan siya ng dalawa asawa at natakot siya na baka hindi na siya magkaroon pa ng pamilya. Ngunit, ginamit ng Diyos ang paghihirap na ito para sa ikabubuti ni Tamar, para sa ating kabutihan, para sa Kanyang kaluwalhatian. Paano natin maluluwalhati ang Diyos sa gitna ng paghihirap?
Magbigay ng pagkakataon sa pag-uusap
Comentarios